MATAPOS aprubahan ng Commission on Higher Education ang aplikasyon ng Samar State University (SSU) para magpatakbo ng Doctor of Medicine program, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa modernong mga pamantayan para sa pag-aaral ng medisina, medical internship, at post-graduate medical education at training.
Magpapatakbo ng Doctor of Medicine Program ng SSU ang Samar Island Institute of Medicine (SIIM). Ang naturang programa ang ika-dalawampung programang medikal na inaprubahan ng CHED sa mga pampublikong pamantasan.
Noong 2022, inihain ni Gatchalian ang Physicians Act (Senate Bill No. 953) na isinusulong ang paglikha ng Medical Education Council (MEC) sa ilalim ng CHED. Bahagi sa magiging mandato ng MEC ang pagtatakda ng minimum required curriculum sa degree ng Doctor of Medicine, kabilang ang internship. Imamandato rin ng panukalang batas sa MEC ang pagkilala at pagbibigay awtorisasyon sa pagbubukas ng mga bagong medical schools sa bansa, kabilang ang pagpapatupad ng mga minimum requirement na itatakda.
Sa ilalim ng Physicians Act, layon din ni Gatchalian na tugunan ang mga polisiyang wala sa mga kasalukuyang batas sa larangan ng medisina, kabilang ang pagbubukas ng propesyon sa mga dayuhan sa ilalim ng itatakdang mga kondisyon; pagtatakda ng mga parusa sa iligal na pag-practice ng medisina; at pagbibigay depinisyon sa medical malpractice, pati na rin ang mga kaukulang mga parusa.
“Maliban sa pagpapalawak ng access sa medical schools, mahalagang matiyak natin na angkop, napapanahon, at dekalidad na edukasyon ang matatanggap ng mga susunod na henerasyon ng ating mga medical professionals. Kaya naman naghain tayo ng panukalang batas para maging mas handa tayong tumugon sa mga pagbabagong hatid sa atin ng agham, teknolohiya, at pananaliksik,” ani Gatchalian.
Layon din ng panukalang batas ang paglikha ng Professional Regulatory Board of Medicine (PRBM) sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC) para mag-supervise, mag-regulate, at mag-monitor sa pag-practice ng medisina at telemedicine. Ang PRBM din ang magpapatupad ng Physician Licensure Examination (PLE). Sa ilalim ng PRBM, lilikhain ang Post-Graduate Medical Education Council (PGMEC) upang tiyakin ang kalidad ng post-graduate medical education at training para sa lahat ng mga disipline, specialty, at sub-specialty ng mga medical resident.
Iminumungkahi rin ni Gatchalian na ilagay ang buong propesyon ng medisina sa ilalim ng Integrated National Professional Organization of Physicians (INPOP) na siyang mag-iimbestiga ng mga paglabag sa magiging batas, kabilang ang Code of Ethics. Magpapatakbo ng Doctor of Medicine Program ng SSU ang Samar Island Institute of Medicine (SIIM). Ang naturang programa ang ika-dalawampung programang medikal na inaprubahan ng CHEd sa mga pampublikong pamantasan.
Noong 2022, inihain ni Gatchalian ang Physicians Act (Senate Bill No. 953) na isinusulong ang paglikha ng Medical Education Council (MEC) sa ilalim ng CHEd. Bahagi sa magiging mandato ng MEC ang pagtatakda ng minimum required curriculum sa degree ng Doctor of Medicine, kabilang ang internship. Imamandato rin ng panukalang batas sa MEC ang pagkilala at pagbibigay awtorisasyon sa pagbubukas ng mga bagong medical schools sa bansa, kabilang ang pagpapatupad ng mga minimum requirement na itatakda.
Sa ilalim ng Physicians Act, layon din ni Gatchalian na tugunan ang mga polisiyang wala sa mga kasalukuyang batas sa larangan ng medisina, kabilang ang pagbubukas ng propesyon sa mga dayuhan sa ilalim ng itatakdang mga kondisyon; pagtatakda ng mga parusa sa iligal na pag-practice ng medisina; at pagbibigay depinisyon sa medical malpractice, pati na rin ang mga kaukulang mga parusa.
“Maliban sa pagpapalawak ng access sa medical schools, mahalagang matiyak natin na angkop, napapanahon, at dekalidad na edukasyon ang matatanggap ng mga susunod na henerasyon ng ating mga medical professionals. Kaya naman naghain tayo ng panukalang batas para maging mas handa tayong tumugon sa mga pagbabagong hatid sa atin ng agham, teknolohiya, at pananaliksik,” ani Gatchalian.
Layon din ng panukalang batas ang paglikha ng Professional Regulatory Board of Medicine (PRBM) sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC) para mag-supervise, mag-regulate, at mag-monitor sa pag-practice ng medisina at telemedicine. Ang PRBM din ang magpapatupad ng Physician Licensure Examination (PLE). Sa ilalim ng PRBM, lilikhain ang Post-Graduate Medical Education Council (PGMEC) upang tiyakin ang kalidad ng post-graduate medical education at training para sa lahat ng mga disipline, specialty, at sub-specialty ng mga medical resident.
Iminumungkahi rin ni Gatchalian na ilagay ang buong propesyon ng medisina sa ilalim ng Integrated National Professional Organization of Physicians (INPOP) na siyang mag-iimbestiga ng mga paglabag sa magiging batas, kabilang ang Code of Ethics.