29.5 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Gatchalian: Saklaw ng mga heat index palawakin bilang gabay sa pagsuspinde ng klase

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG mawala ang pagiging “arbitrary” ng pagsuspinde ng mga klase dahil sa matinding init, hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na palawakin ang saklaw ng mga heat index upang magabayan ang mga paaralan at mga local government units (LGUs).

“Nais kong imungkahi sa Pagasa na magkaroon ng mga forecast na sumasaklaw sa mas maraming lugar. Kung kailangan ninyo ng tulong at kailangan nating bumili ng teknolohiya, maaari kayong tulungan ng Senado upang magabayan ang ating mga LGU at mga punong-guro,” ani Gatchalian.

“Mahalagang ibigay natin sa ating mga punong-guro at mga local government units ang kinakailangan nilang impormasyon upang makapag-responde sila. Maaaring maging dahilan ng kawalan ng estratehiya at maagap na pagresponde ang kakulangan ng impormasyon, bagay na nakakapinsala sa ating mga mag-aaral,” dagdag na pahayag ng senador.

Ibinahagi ng Chairperson ng Senate Committee on Basic Education ang halimbawa ng mga itinatalagang signal pag may bagyo na nagiging gabay sa pagsuspinde ng klase. Nais ni Gatchalian na may makitang parehong sistema upang magabayan ang mga punong-guro at mga alkalde sa pag-kansela ng klase, pati na rin ang mga komunidad sa loob ng paaralan na magpatupad ng kaukulang mga hakbang.

“Alam naman natin na tuwing tag-ulan, napakalinaw ng proseso. Nagsususpinde tayo ng klase batay sa storm signal. Malinaw ang sistema at hindi arbitrary. Nais nating iwasan ang mga sitwasyon kung saan nagkakaiba ng konsepto sa pagsuspinde ng klase ang alkalde o punong-guro,” giiit ni Gatchalian.

Bagama’t aminado si Department of Education Assistant Secretary for Operations Cesar Bringas na saklaw lamang ng mga forecast ng Pagasa ang tiyak na mga probinsya at lungsod, hindi pa rin malinaw sa mga paaralan kung hanggang saan ba ang saklaw ng mga inilalabas na heat index kada lugar.

Bagama’t limitado ang observation network ng Pagasa, ibinahagi naman ni Dr. Marcelino Villafuerte 2nd, Deputy Administrator for Research and Development ng Pagasa, na naghahanap na rin sila ng iba pang mga paraan para alamin ang temperatura nang walang sensor.

Ayon pa sa opisyal, gumagawa na rin ang Pagasa ng interactive na mapa na maaaring ipakita ang heat index forecast sa isang tiyak na lugar sa susunod na pitong araw.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -