30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Libu-libong Dabawenyos nakatanggap ng pang-ahon tulong mula sa mga Cayetano

- Advertisement -
- Advertisement -

“Matumal kasi naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa landslide at mga sakuna na nangyari sa paligid.”

Sa pagkukuwento sa mga hamon na kanyang hinarap bilang biktima ng kalamidad sa Davao de Oro, ibinahagi ni Lovely Joy Herrera na hindi pa rin bumabalik ang kanyang kabuhayan ilang buwan matapos bumaha ng malakas na ulan sa lugar noong Pebrero ng taong ito.

“Noong kasagsagan ng ulan, wala kaming hanapbuhay kasi ‘yung pinapasukan naming tunnel ay pinasara at ‘yung partner namin ay hindi nakapagtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit di sapat ang pang araw araw namin,” kwento ni Herrera, na residente ng Pantukan.

“Kaya malaking tulong po talaga itong natanggap naming blessing ngayon. Makakabili para sa pang araw-araw na ulam, gatas,” dagdag niya.

Mula May 30 hanggang June 1, 2024, binisita ng mga opisina ng mga Cayetano ang mga lungsod ng Panabo at Tagum sa Davao del Norte, at mga munisipalidad ng Pantukan at Maco sa Davao de Oro upang magbigay ng tulong sa iba’t ibang komunidad.

Naisakatuparan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng DSWD at sa Emergency Response Program ng mga Cayetano.

Noong May 30, 579 na residente ng Panabo City na karamihan ay kababaihan, solo parents, maternal seminar attendees, at barangay health workers ang nakatanggap ng tulong upang madagdagan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Kinabukasan, May 31, tatlong grupo rin ng mga benepisyaryo ang inabot sa Maco at Tagum City. Ang unang dalawang mga aktibidad ay assistance drive sa Maco kung saan 886 na biktima ng baha ang nabigyan ng recovery aid.

Sa Tagum City, 676 solo parents, youth, BHWs, at maternal seminar attendees ang nakatanggap ng livelihood assistance.

Huling binisita ng Cayetano team ang Pantukan noong June 1, kung saan sila rin ay nag-abot ng tulong sa 500 residente na naapektuhan din ng mga insidente ng baha at pagguho ng lupa na naganap sa unang bahagi ng taong ito.

Pinasalamatan ni Herrera ang tulong ng mga senador at binigyang-diin ang pagka-praktikal at napapanahong tulong. “Mayroon pong mga NGO (non-governmental organizations) at sa gobyerno na pumunta na dito tsaka natulungan kami, pero hindi tulad ng ganito [kila Cayetano] na pangkabuhayan talaga ang natanggap namin,” aniya.

“Salamat po Senators Alan Peter at Pia Cayetano dahil marami kayong natulungan tao dito sa amin kahit malayo po, napuntahan niyo po kami,” dagdag niya.

Matagumpay na naisagawa ang mga pamamahagi ng tulong sa tulong nina Panabo City Mayor Jose Relampagos, na kinatawan sa kaganapan ni Josie Mary Relampagos; Tagum City Mayor Rey Uy, at Davao de Oro Province Vice Governor Tyron Uy.

Sa mga aktibidad sa Pantukan at Maco, kinatawan ni Vice Governor Uy sina Pantukan Municipal Councilor Hannie Trangia, Former Board Member at Barangay Captain Raul Timogtimog, at Maco Councilor Madie Carl Sahid.

Sa layuning magbigay ng pantawid at pang-ahon na tulong sa mga apektadong kababayan, nangunguna ang Emergency Response Program (ERP) ng mga Cayetano sa pagtulong ng mga biktima ng sunog, lindol, bagyo, landslide, aksidente, at iba pang mga trahedya na pangyayari.

Habang ang Senado ay kasalukuyang nasa session break, ang opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ay patuloy na bumibisita sa mga probinsya upang makipagugnayan at maghatid ng mga serbisyo at tulong upang iangat ang mga komunidad sa buong bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -