28.5 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

DoST, nagtayo ng solar-powered water pump sa bayan ng Victoria

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINAYO ng Department of Science and Technology (DoST) Mimaropa sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Office (PSTO) – Oriental Mindoro ang isang solar-powered water pump unit sa Material Recovery Facility (MRF) sa bayan ng Victoria.

Ayon sa social media post ng DoST-Mimaropa, ang proyektong ito ay sa ilalim ng community empowerment through science and technology (CEST) program.

Ang solar-powered pump system ay dinisenyo upang magkaroon ng maayos at episyenteng suplay ng tubig para mapanatili ang kalinisan ng MRF bilang pagsuporta na rin sa waste recycle operations sa bayan.

“Malaki ang maiaambag nitong benepisyo sa waste management sa larangan ng agrikultura,” saad ng DoST.

Dagdag pa ng DoST, ang tubig na dadaan sa  solar-powered pump system na ito ay dadaloy sa mga local community garden sa mga barangay.

Dahil dito, malaking kabawasan din ang magiging gastusin sa kuryente at magsisilbi rin itong modelong kagamitan sa mga MRF, ayon sa DoST. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -