PINANGUNAHAN ni Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagdaraos ng “Interagency Conference on Dams Operations and Flood Management” na ginanap sa Royce Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga nitong ika-12 ng Agosto 2024.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga hakbang upang mapaghandaan ang mga posibleng epekto ng La Niña sa bansa. Inilatag din ang mga epektibong pamamaraan upang matugunan ang banta ng La Niña lalo na ang pinsala na maaring maidulot nito.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga pinuno at empleyado mula sa Disaster Risk Reduction & Management Office ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa Rehiyon 3. Mula sa Facebook page ng DILG