MULING kinilala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang isa sa mga nangungunang ahensya na may 74 percent na highest approval rating base sa Pulse Asia’s Ulat ng Bayan Survey noong Hunyo 17-24, 2024.
Ayon sa nationwide survey na isinagawa sa 2,400 Pilipinong edad 18 pataas, kinilala ang DSWD bilang isa sa mga ahensya ng gobyerno na mabilis at maagap tumugon sa panahon ng kalamidad.
Sa patuloy na pagsisikap, layunin ng DSWD na hindi lamang matugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng sakuna kung hindi pati na rin ang magbigay ng pag-asa at kalidad na serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino.
Makakaasa ang ating mga kababayan na patuloy ang ahensya na magbibigay ng extra love at extra care sa bawat Pilipino. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at suporta.