33.5 C
Manila
Lunes, Abril 21, 2025

PTMP-LPTRP pinaigting ang LPTRP sa Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA sa mas pinaigting na implementasyon ng Public Transportation Modernization Program (PTMP), isinagawa ng Department of Transportation (DoTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region-4A , sa tulong ng Provincial Planning and Development Office ng Batangas City (Batangas PPDO), ang “Orientation Workshop on the Updating for the Public Transport Route Plan,” noong Agosto 29, 2024.

Sa pangunguna ni EnP. Marisa Mendoza, ang training-workshop ay dinaluhan ng mga miyembro ng LPTRP Technical Working Group (TWG) ng Batangas. Ito ay isinagawa para sa mas mahusay at updated na paggawa ng LPTRP ng mga munisipalidad at lungsod ng Batangas. Nagpa-unlak din sa opening remarks ang panauhing pandangal na si Wilfredo Racelis, provincial administrator and co-chairperson, LPTRP Team. Ani ni Racelis na ang mga napapanahon na mga pagplaplano at proyekto ng Batangas, pangkasalukuyan man o panghinaharap, ay marapat na maging kaakibat sa ginagawang LPTRP ng probinsya. Dagdag pa niya na ang mga ruta na ito ay magiging tulong upang mas maging accessible ang mga proyekto para sa masa.

Maigting din na tinalakay sa workshop ang Stakeholder Support Programs (Tsuper Iskolar at Entsuperneur Program) na maaaring mapakinabangan ng mga driver, operator, at iba pang sektor na sumali o naapektuhan ng implementasyon ng PTMP.

Pinangunahan ng PTMP National Program Management Office (NPMO) at ng LTFRB RFRO Region IV-A ang diskusyon, na siya namang maiging nilahukan ng mga dumalo.

Lubos ang pasasalamat ng mga lumahok mula sa Provincial Departments/Offices, Line Agencies, Academe, at Transport Groups sa Batangas LPTRP Workshop, at inaasahan nila na ito ang magiging daan sa pagsasaayos ng kanilang mga LPTRP. Taos puso rin ang pasasalamat ng DoTr at ng LTFRB sa naganap na kolaborasyon para sa maigting na pagsuporta sa PTMP.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -