27.5 C
Manila
Martes, Abril 29, 2025

Imahen ng Nuestra Señora de Guia de Manila dumalaw sa Lungsod ng Pasig

- Advertisement -
- Advertisement -

MALUGOD na sinalubong at binigyang-pugay ng mga deboto ang pagdalaw ng Imahen ng Nuestra Señora de Guia de Manila sa Lungsod ng Pasig kaninang umaga, September 6, 2024, sa Pasig City Hall.

Sa Kanyang pagdating, isang maikling programa ang isinagawa sa lobby ng Pasig City Hall, kung saan bahagi nito ang pag-aalay ng panalangin, mga awitin, at mga bulaklak mula sa mga kawani ng lokal na pamahalaan at ilang bisita ng City Hall.

Ang nasabing pagdalaw ng Imahen na mula pa sa Archdiocesan Shrine sa Maynila ay bahagi ng selebrasyon ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, na giannap nitong Linggo, September 8, 2024.

Ilan sa mga aktibidad kaugnay ng Kanyang pagdalaw sa Lungsod ng Pasig ay ang isang misa sa Immaculate Conception Cathedral na sinundan ng vigil na pinangunahan ng iba’t ibang pamayanan at mga religious organization sa Lungsod ng Pasig. Bukod dito, ginanap din ang Solemn Mass nitong September 7, 2024 at ssinundan ng isang prusisyon.

Viva La Virgen!

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -