NAKIISA ang Department of Education sa pagbati sa mga atletang Pilipino na lumaban sa katatapos na 2024 Paris Paralympics.
Narito ang post ng DepEd sa kanilang opisyal na Facebook page.
”Maalab na pagbati sa ating anim na atletang Pilipino na nagpakita ng kanilang husay at determinasyon sa iba’t ibang sporting event sa katatapos lamang na 2024 Paris Paralympics.
”Tunay kayong inspirasyon para sa lahat ng Pilipino. Hangad namin ang inyong tagumpay sa inyong larangan sa hinaharap.”