Isinasagawa sa Palawan angthird leg ng Mimaropa Initiative: One-Time, Big-Time 2024 na nagsimula noong Setyembre 9 at magtatagal hanggang Setyembre 14, 2024.
Ito ay ginagawa sa pagtutulungan ng bawat lokal na pamahalaan sa buong rehiyon sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Offices katuwang ang Department of Health Center for Health Development – Mimaropa, Department of Agriculture -Mimaropa, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Field Epidemiology Training Program Alumni Foundation Inc. (FETPAFI) – Speedier Project at iba pa.
Unang isinagawa ang One-Time, Big-Time sa bayan ng Brooke’s Point noong Setyembre 9-10 at sa Puerto Princesa City mula Setyembre 11 hanggang Setyembre 12. Isasagawa rin ito sa bayan ng San Vicente sa Setyembre 13-14.
Kabilang sa mga libreng serbisyong ipagkakaloob sa nasabing gawain ay ang malawakang anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa gayundin ang iba pang serbisyo tulad ng spaying (ligation) at
Layunin nito na makamit ang adhikaing “Rabies Freedom: Zero by 30” sa buong rehiyon ng Mimaropa.
Ayon sa Provincial Information Office ng Palawan, ang aktibidad ay tugon sa hangarin ng pamahalaang panlalawigan na palakasin at masiguro ang kaligtasan ng livestock industry sa Palawan kabilang na ang mga alagang aso at pusa gayundin ang kaligtasan ng mga Palaweño laban sa nakamamatay na rabies.
Kaugnay nito, patuloy na inaanyayahan ng PROVET ang mga pet owner na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga Municipal Agriculture Office upang makapagparehistro at mapakinabangan ang mga nabanggit na serbisyo. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)