25.8 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Food, non-alcoholic beverages, nagpababa sa inflation sa Oriental Mindoro

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMABA ang antas ng inflation noong buwan ng Agosto kumpara noong Hulyo, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro.

“Ang headline inflation o ang pagtaas ng produkto at serbisyo sa probinsya ay bumagal sa antas na 3.4 porsyento nitong Agosto 2024. Noong Hulyo 2024, naitala ang inflation sa antas na 4.3 porsyento,” pahayag ni PSA Oriental Mindoro Chief Administrative Officer at Officer-In-Charge Charlyn Romero-Cantos sa isinagawang press conference sa kanilang tanggapan noong Setyembre 10.

Ayon kay Cantos, ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation noong naturang buwan ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages sa antas na 2.3 porsiyento at mayroong 45 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa buong lalawigan.

Samantala, ang nag-ambag sa pagbaba ng pagkain at mga inuming hindi nakalalasing ay ang mabagal na pagtaas ng cereals at iba pang produkto na kauri nito na may 4.6 porsiyentong inflation partikular ang bigas.

Bukod sa bigas, nag-ambag din sa pagbaba ang pagbaba sa presyo ng mga gulay tulad ng kamatis, at iba pa, sa antas na -3.0 porsyento, gayundin ang halaga ng isda partikular ang bangus at iba pang pagkaing dagat na mayroong -5.7 porsiyento mula sa 2.5 porsiyento noong buwan ng Hulyo 2024.

“Ang pangalawang dahilan ng mas mababang antas ng inflation ay ang pagbaba ng presyo sa larangan ng transportasyon na may -0.7 porsiyento at ang pumangatlo ay nag-mula sa housing, water, electricity, gas at iba pang produkto ng langis na may 6.4 porsyento kumpara noong Hulyo na may 6.8 porsiyento,” ayon Cantos. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -