25.3 C
Manila
Lunes, Pebrero 10, 2025

Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko iginawad sa Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay naging napakamakabuluhan para sa Ahensiyang Pang-Impormasyon ng Pilipinas (PIA).

Sa isinagawang palatuntunan noong Agosto 30, 2024 sa Seda Vertis North Hotel, Lungsod ng Quezon, iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa pangunguna ng Tagapangulo ng KWF, Arthur  Casanova, ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2024 – Antas 1 sa Ahensiyang Pang-Impormasyon ng Pilipinas (PIA).

Ang plake ng pagkilala at paggawad ng naturang Selyo ng Kahusayan ay malugod na tinanggap ni Assistant Deputy Director-General, Atty. Tadeo Culla, tagapangulo ng Lupon sa Wikang Filipino, kasama ang pinuno at tauhan ng Sangay ng Pagpapaunlad Pantauhan (HRDD) na sina Eleanor Lim-Martin at William Ronquillo.

Ang Selyo ng Kahusayan ay iginagawad sa mga ahensya at lokal na yunit ng pamahalaan (LGU) na sumunod sa implementasyon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (Executive Order No. 335) at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko.

Bilang pagsunod sa mga itinakdang tuntunin, ang mga kawani ng ating ahensya ay sumailalim sa Pagsasanay sa Korespondensya Opisyal. Nakapagtalaga rin ng mga kasapi ng Lupon sa Wikang Filipino, at sa patuloy na pagpapaunlad ng kakayahan, nagpadala tayo ng mga kalahok sa Salinayan 2024: Seminar-Training sa Pagsasalin, na nakatuon sa pagsasalin ng Gabay ng Mamamayan.

Ang pagkilalang ito ay magbibigay pa ng dagdag na sigasig upang magpatuloy ang Ahensiya sa mga susunod na hakbang, paghahanda para sa susunod na antas at patuloy na pagiging katuwang sa pagpapabatid ng mga gawaing pangwika ng Komisyon sa Wikang Filipino. (WR – PIA HRDD)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -