30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Anti-Financial Account Scamming Act sinusuportahan ng BSP

- Advertisement -
- Advertisement -
SINUSUPORTAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Republic Act No. 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na layuning protektahan ang publiko at financial system laban sa cybercrimes.
Nagpapataw ang AFASA ng mas mataas na parusa sa financial cybercrimes gaya ng pagiging money mule, pagsasagawa ng social engineering schemes o scams (smishing, phising, vishing, at iba pa), at pangmalawakang financial scamming ng isang sindikato o panloloko sa maraming tao.
Ang BSP ay binigyan ng awtoridad na makapag-apply ng cybercrime warrants at makipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police sa mga imbestigasyon nito. Maaari na ring imbestigahan ng BSP ang mga financial accounts na inuugnay at kaugnay sa mga ilegal na transaksyon na saklaw ng AFASA.
Ang mga institusyong nasa ilalim ng awtoridad ng BSP ay binigyan din ng awtoridad na pansamantalang i-hold ang pera na inuugnay sa isang disputed transaction para makapag-imbestiga ito at malaman kung ito ba ay sangkot sa mga ilegal na aktibidad saklaw ng AFASA. Ito ay para maiwasan na mawala ang nasabing pera o mailabas ng mga kawatan sa financial account.




- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -