INIURONG ng Department of Transportation (DoTr) sa 2025 ang pagpapataw ng multa sa mga motoristang lalabag sa mga patakaran sa expressways sa National Capital Region (NCR) at karatig na lugar, kabilang ang pag-install at tamang pag-load ng Radio Frequency Identification (RFID).
Ang implementasyon ng penalties sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 2024-001 ay pansamantalang ipinagpaliban upang tiyaking naaayon ito sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na solusyunan ang problema sa trapiko.