26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Almá/Alma: Mga Lektura para sa Seskwisentenaryo ni Rafael V. Palma itatanghal

- Advertisement -
- Advertisement -
BILANG paggunita sa ika-150 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Rafael V. Palma, inihahandog ng UP Departamento ng Kasaysayan,  kasama ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, ang “Almá/Alma: Mga Lektura para sa Seskwisentenaryo ni Rafael V. Palma (1874 – 24 Oktubre – 2024)” sa ika-24 ng Oktubre 2024, Huwebes, sa Bulwagang Palma, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon.
Libre ang pagdalo sa programang ito ngunit limitado lamang ang slots. Mangyaring mag rehistro sa LINK na ito: bit.ly/Palma150Alma
Ito ang detalye ng programang ito.
Unang Bahagi: Mga Kaisipang Pang-Edukasyon ni Rafael Palma
Oras at Lugar: Oktubre 24, 2024, 10:00-11:30 NU, Silid Pilar Herrera, Bulwagang Palma, UP Diliman
Tagapanayam: Dr. Ernesto Lozano Fernandez, Dekano, Nazarene Theological Seminary—Peru, Chiclayo, Peru
Paksa: “Rafael Palma and Transformational Learning”
Ikalawang Bahagi: Si Palma at ang Agham at Kasaysayan
Petsa at Lugar: Oktubre 24, 2024, 1:00-2:30 NH, Silid PH 116-118, Bulwagang Palma, UP Diliman
Tagapanayam 1: Prop. Jaime Veneracion, PhD, UP Departamento ng Kasaysayan
Paksa: “Rafael Palma: Natatanging Historyador ng Kaniyang Panahon”
Tagapanayam 2: Kawaksing Propesor Ruel Pagunsan, PhD, Tagapangulo, UP Departamento ng Kasaysayan
Paksa: “Rafael Palma, the UP and the Making of National Science”
Ang programang pampublikong ito ay itinataguyod ng UP Departamento ng Kasaysayan at UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP), katuwang ang National Historical Commission of the Philippines. Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Linggo ng KAPP.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -