26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Pediatric expert, nilinaw ang kahalagahan ng bakuna laban sa mga sakit

- Advertisement -
- Advertisement -

NILINAW ni Grandelee Taquiqui, vice president ng Philippine Pediatric Society sa Cagayan, na ang bakuna ay isang epektibong proteksyon laban sa mga sakit at hindi nagiging sanhi ng anumang karamdaman. ย 

Ayon kay Taquiqui, mahalaga para sa publiko, lalo na sa mga magulang, na maunawaan ang kahalagahan ng maagang pagpapabakuna para sa kanilang mga anak.ย 

Aniya, ang bakuna ay nagbibigay ng pangmatagalang proteksyon laban sa mga posibleng sakit, tulad ng polio, hepatitis A, tigdas, at bulutong-tubig.ย ย 

Ipinaliwanag niya na ang mga bakuna ay may ibaโ€™t ibang uri, kabilang ang In activated vaccines na naglalaman ng mga in active pathogen ngunit hindi makapagdulot ng sakit. Halimbawa ng mga ito ay ang polio at hepatitis A.

Subunit vaccines, ito ay gawa mula sa piraso ng pathogen, hindi ang buong organismo, kayaโ€™t wala itong buhay na pathogens tulad ng Covid-19 vaccine.

Live atenuated vaccines na naglalaman ng mga live na pathogens ngunit hindi nagdudulot ng sakit, tulad ng tigdas, rubella, mumps, at bulutong-tubig.ย 

Dagdag pa ni Taquiqui, may mga pagkakataong nagkakaroon ng tinatawag na โ€œbreakthrough infections,โ€ tulad ng skin lesions o rashes. Gayunpaman, hindi ito itinuturing na full-blown disease, kundi bahagi lamang ng immune response.ย ย 

Nilinaw din niya na ang mga side effects matapos ang pagbabakuna, tulad ng banayad na lagnat o pamamaga, ay normal at hindi nangangahulugang nagkasakit ang pasyente.ย 

โ€œVaccines are carefully tested for the safety of the public. Vaccines donโ€™t cause diseases they are designed to prevent them, and the risks far outweigh the benefits of preventing serious and life-threatening diseases,โ€ dagdag ni Taquiqui.

Kaugnay nito, nanawagan din siya sa publiko na suportahan ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan, kabilang ang libreng pagbabakuna, upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata laban sa mga nakahahawang sakit. (MFJ/PIA Region 2)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -