28.8 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Bato Dela Rosa: Dugo sa aking kamay ay dahil sa pagprotekta sa mga Pilipino

- Advertisement -
- Advertisement -

“There is no shame in having blood on my hands because I protected the Filipino people.”

Ito ang malakas na mensahe ng reelectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagbigay ng negatibong pahayag sa mga kandidatong senador na sangkot sa Oplan Tokhang o giyera ng huling administrasyon laban sa ilegal na droga.

“Wala namang ibang involved d’yan sa tokhang kundi ako, ‘di ba? Kaya with all due respect, sasagutin ko lang po. Kung ‘yung aking mga kamay ay may bahid ng dugo, hindi ko po ‘yan ikinakahiya. Kung ‘yung aking mga kamay ngayon ay may bahid ng dugo, dugo ng masasamang tao,” sabi ni Dela Rosa sa kanyang speech sa pagsisimula ng rally ng PDP-Laban’s para sa 2025 midterm elections.

“Kung kinakailangan na madumihan ng dugo ng masamang tao ang aking kamay para maprotektahan ang buhay ng mga matitino, mababait, at mga law-abiding citizens, gagawin ko po yan. Itaga niyo po sa bato,” dagdag ng dating chief ng Philippine National Police.

Sinabi ni Dela Rosa na ang mga negatibong komento laban sa mga kandidato ng PDP-Laban ay nagpapakita lamang na sila ay hindi isang “insignificant opposition.”

“Wala nang ginawa kundi puro pagtira nang tira sa atin. Tahimik nga kami. We were giving you the moment. Sa inyo na ang February 11 at sa amin ang February 13. You have the moment. Pero bakit tayo tinitira? Ibig bang sabihin takot sila sa atin?” sabi ng reelectionist na senador.

“Isa lang na indicator yan. Kasi kung insignificant opposition tayo, bakit ko pakialam kung sino sino ‘yan sila. Bahala kayo d’yan. Mga insignificant kayo. Pero the mere fact that no less than the President of the Philippines ang tumitira, ibig sabihin, we are somebody, ‘di ba?” dagdag niya.

Nangako ang mambabatas na ipaglalaban niya ang mahihirap sakaling siya ay muling mahalal sa 2025 dahil pinuna niya ang kamakailang pahayag ng pangulo sa mga kandidatong mukhang nagde-deliver lang ng suka.

Ibinahagi ni Dela Rosa na siya mismo ay nakaranas ng pagbebenta ng mga bote ng suka na ginawa ng kanyang lolo para may panggastos.

“‘Wag natin maliitin ‘yung mga nagtitinda ng suka dahil hindi po bawal mangarap ang nagtitinda ng suka na maging senador. Ako’y nagtitinda ng suka pero nakapag masteral-degree ako, nakapag-doctor of philosphy ako, naging chief PNP pa ako at ngayon naging senador pa,” sabi niya.

“Kaya sa mga nagtitinda ng suka d’yan malaki ang tsansa niyo na magiging senador… Sige lang tawagin niyo lang kami ng team suka…basta ang importante kami ang nagpapasarap sa ulam ng mga taong mahihirap,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -