SA pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nilagdaan nitong Abril 10 ang Joint Memorandum Circular ng PRC at CHED para sa pag-align ng Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) sa Teacher Education Curriculum.

Layon ng reporma na tiyaking ang mga guro ay mas mahusay na naihahanda sa aktwal na pangangailangan ng mga mag-aaral at ng modernong silid-aralan. Kabilang sa pagbabago ang pagkakaroon ng hiwalay na pagsusulit para sa elementarya at sekondarya, gayundin ang espesyalisasyon sa Early Childhood at Special Needs Education.