ANU-ANO ang tumulong para pabagsakin ang year-on-year (YOY) inflation sa 1.8% noong Marso 2025 mula sa 2.1% noong nakaraang buwan. Patuloy kaya ang planong pagbaba ng interest rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)?
Bumulusok pababa sa 1.8% ang YOY inflation sa ikatlong buwan ng 2025 at malaki ang bawas sa month-on-month (MOM) inflation. Ito ang pinakamababang antas sa loob ng aninapu’t tatlong buwan (Table 1).
Gaya noong nakaraang buwan, ang pagbulusok ay naranasan sa lahat ng sektor — sa pagkain at non-food. Bumaba ang YOY inflation ng pagkain mula sa 2.6% sa 2.2%. Walang naranasang sakuna ang mga sakahan at palaisdaan. Normal lang ang weather patterns at pag-ulan.
Bumaba ang bigas sa -7.7%, ang pinakamababa nitong YOY inflation simula noong Marso 2020. Itoý dahil sa pagtaas ng suplay mula sa pag-normalisa ang ani noong unang quarter at pinabagsak ng pagbaba ng taripa ang inangkat na bigas sa ibang bansa. Sinabayan ito ng pagbaba ng YOY inflation ng karne sa 8.2% at gulay sa 6.9%. Ngunit umangat ang inflation ng isda sa 5.5%, gatas sa 3.4% at asukal sa 0.2%.
Bumaba rin ang YOY inflation ng non-food items mula sa 1.7% sa 1.4% dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Bumaba ang clothing and footwear (1.8% mula 2.1% noong nakaraang buwan), household furnishings and maintenance (2.1% mula 2.3%). Bumaba rin ang health (2.1% mula 2.3%) at transport (-1.1% mula -0.2%) ngunit umakyat nang bahagya ang information and communication (0.4% mula 0.3%) at housing, water, electricity, gas and fuels (1.7% mula 1.6%).
Lumagapak ng 5.0% ang presyo ng Dubai crude oil noong Marso sa US$72.28 kada bariles mula sa US$76.32 noong Pebrero 2024. Bumaba rin ang presyo nito ng 14.7% kumpara sa US$84.18 noong Marso 2024. Itoý dahil sa kinatatakutang recession sa United States (USA) na nagbabadya mula sa mga palisiya ni Pangulong Trump gaya ng pagtaas ng taripa sa mga malalaki nitong trading partners at ang pagsasara ng maraming upisina ng pamahalaan. Patuloy din ang paghina ng demand ng China na naapektuhan ng pagbagsak ng GDP growth nito. Nagdesisyon din ang mga miembro ng OPEC na palaguin ang produksyon ng langis. Ito ang mga dahilan kung bakit sa Dubai oil futures market na naireport sa Platts, pababa sa US$65.63/bariles ang quotes sa presyo nito sa Hunyo 2025.
Bumulusok pababa ang MOM inflation sa -0.2%. Patuloy ang negatibong MOM inflation ng pagkain sa -0.7% mula sa -1.0% dahil sa -6.1% na pagbulusok ng presyo ng gulay, -2.0% na pagbaba ng presyo ng bigas, at asukal (-0.6%). Ngunit umakyat ang presyo ng karne ng 0.6% at isda sa 1.1%.
Sa non-food category naman, bumaba ang MOM inflation sa 0.0% mula sa 0.4%. Nag-ambag dito ang patuloy na pagdapa ng transport sa -0.7%% mula sa 0.1%. Bumaba ang housing water, electricity, gas and other fuels na bumaba sa 0.1% mula sa 0.2%. Ganoon din ang clothing and footwear (0.1%). Di gumalaw ang health (0.2%); furnishings, household equipment, and routine maintenance (0.2%) at information and communication (0.1%) sa mga antas nila noong nakaraang buwan.
Dahil ang naitalang inflation ay nasa lower end ng target inflation range na 2-4%, inaasahang itutuloy ng BSP ang planong pagtapyas sa interest rates sa ikalawang quarter ng taon. Ang mild na La Niña sa unang kalahati ng 2025 ay naging maganda sa agrikultura at tumulong nang malaki sa pagbaba ng presyo ng pagkain. Inaasahang hihina ang mga ekonomiya sa mga advanced countries gaya ng USA at EU (European Union) dahil sa trade war at ang palitan ng tariff increases ay siya ring magpapadapa sa presyo ng langis na nararanasan na ngayon.
CONSUMER PRICES | ||||||||
In Percent | YEAR- | ON-YEAR | (YOY) | MONTH-ON-MONTH (MOM) | ||||
Jan | Feb | Mar | Jan | Feb | Mar | |||
ALL ITEMS | 2.9 | 2.1 | 1.8 | 0.5 | 0.5 | -0.2 | ||
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES | 3.8 | 2.6 | 2.2 | 1.1 | 1.1 | -0.6 | ||
Food | 4.0 | 2.6 | 2.3 | 1.3 | -1.0 | -0.7 | ||
Rice | -2.3 | -4.9 | -7.7 | -0.9 | -1.6 | -2.0 | ||
Meat | 6.4 | 8.8 | 8.2 | 2.0 | 3.2 | 0.6 | ||
Fish | 3.3 | 2.9 | 5.5 | 3.6 | -0.1 | 1.1 | ||
Milk | 2.4 | 2.7 | 3.4 | 0.1 | 0.0 | 0.4 | ||
Vegetables | 21.1 | 7.1 | 6.9 | 3.9 | -12.4 | -6.1 | ||
Sugar | -2.7 | -1.2 | 0.2 | -0.1 | 0.3 | -0.6 | ||
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO | 3.5 | 3.4 | 3.6 | 1.0 | 0.7 | 0.7 | ||
NON-FOOD | 2.2 | 1.7 | 1.4 | 0.2 | 0.2 | 0.0 | ||
III. CLOTHING AND FOOTWEAR | 2.3 | 2.1 | 1.8 | 0.2 | 0.2 | 0.1 | ||
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS | 2.2 | 1.6 | 1.7 | 0.1 | 0.2 | 0.1 | ||
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE | 2.6 | 2.3 | 2.1 | 0.2 | 0.2 | 0.2 | ||
VI. HEALTH | 2.5 | 2.3 | 2.2 | 0.2 | 0.2 | 0.2 | ||
VII. TRANSPORT | 1.1 | -0.2 | -1.1 | 0.2 | 0.1 | -0.7 | ||
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION | 0.2 | 0.3 | 0.4 | 0.1 | 0.1 | 0.1 | ||
Source: Philippine Statistics Authority |