26.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

Mapanatili kaya ang mababang antas ng inflation rate sa buong taon?

TINGIN SA EKONOMIYA 

- Advertisement -
- Advertisement -

HALOS hindi gumalaw ang year-on-year (YOY) inflation sa loob ng tatlong buwan kahit na paakyat ang presyo ng langis. Mapanatili kaya ang mababang antas ng inflation rate sa buong taon?

Umakyat nang bahagya sa 1.4% ang YOY inflation sa Hunyo 2025 na sinabayan ng pagnormalisa ng MOM inflation. Bumaba ang kalahating taon na average inflation sa pinakamababang antas sa loob ng siyam na taon. Ito ay mas mababa kaysa sa 2-4% na projection ng BSP sa taong ito. (Table 1).

Ang patuloy na mababang inflation ay naranasan sa halos lahat ng sektor, maliban sa ilang produkto. Bumaba ang YOY inflation ng pagkain mula sa 0.7% sa 0.1% dahil sa magandang panahon. Walang naranasang El Niño at La Niña di gaya noong nakaraang taon.

Bumaba ang presyo ng bigas ng -14.3%, ang pinakamababa nitong YOY inflation sa buong kasaysayan. Ito ay dahil sa pagtaas ng suplay mula sa masaganang ani na umakyat ng 1.1% noong unang quarter, ang pagbaba ng taripa sa inaangkat na bigas sa ibang bansa, ang pagbigay ng subsidiya sa mga mahihirap na bumibili ng mas murang bigas, at ang pagnormalisa ng klima at produksyon ng bigas sa buong mundo. Sinabayan ito ng pagbulusok pababa ng inflation ng mais sa -14.5% mula sa -10.6%; gulay sa -2.8% mula sa 3.4%; asukal sa -0.7% mula sa -0.6%; at ready-made food sa 2.2% mula sa 3.9%.  Tinabla ng mga items na ito ang pagratsada ng YOY inflation ng prutas sa 9.7% mula sa 8.3%; karne sa 9.1% mula sa 7.9%;  cooking oil sa 7.1% mula sa 5.8%; isda sa 6.2% mula sa 5.7%; gatas at itlog sa 5.1% mula sa 4.9%.

Dumausdos ang YOY inflation ng non-food items ng 0.1% mula sa 1.5% kahit na tumaas ng YOY inflation ng education services (5.4%); utilities kasama ang housing, water, electricity, gas at other fuels (3.2%);  personal care at miscellaneous services (2.4%); transport, household furnishings and maintenance (2.1%); restaurants at accommodation services (2.1%); at clothing at footwear (1.7%).


Sa kabilang dako, di gumalaw  ang health; alcoholic beverages at tobacco; recreation, sports at culture; transport; at  information at communication.

Nagnormalisa naman  ang  month-on-month  (MOM) inflation    sa 0.2  pagkatapos ng tatlong buwang negatibo ang numero.  Naging positibo sa mababang antas ang  MOM inflation ng pagkain sa 0.1% mula sa -0.1% dahil sa 2.0% na pag-akyat ng presyo ng karne, 1.8% na pagtaas ng presyo ng mais, at 1.3% na pagtaas ng oils and fats kasama ang cooking oil, ready-made food (0.1%),    at 0.1% ng tinapay at pasta. Ngunit patuloy na negatibo ang MOM  na   galaw ng  presyo  ng  bigas (-1.6%), prutas (-0.5%), gulay (-0.2%), isda (-0.1%) , asukal (-0.1%), at  gatas at itlog (-0.1%).

Sa non-food category naman,  umakyat ang MOM inflation ng 0.1% mula sa -0.1%.  Nag-ambag dito ang biglang pagratsada ng  transport sa 0.6%% mula sa -0.6% dahil sa pagsiklab ng giyera sa Iran at Israel. Ngunit, umakyat sa mas mababang negatibong numero na -0.5% ang housing water, electricity, gas and other fuels mula sa -1.1%;  furnishings, household equipment, at routine household maintenance at education services  ng 0.2% mula sa 0.0%. Di gumalaw ang clothing and footwear (0.0%) mula sa mababang 0.1%. Di rin gumalaw sa mga antas nila noong nakaraang buwan ang health sa 0.2%; recreation, sports at culture;  at information and communication na parehong nasa 0.1%; at financial services (0.0%).

Nanatili ang core inflation sa YOY inflation na 2.2% at MOM inflation na 0.1%sa ikaapat na buwang magkasunud-sunod.  Dahil ang naitalang YOY inflation ay mas mababa kaysa sa  lower end ng target inflation range na 2-4% at halos hindi na ito gumagalaw, siguradong itutuloy ng BSP ang pagpapaluwag ng antas ng liquidity. Kailangan ito para lumapit o kaya ay makamit ang higher end ng growth target na 6-7% sa 2025.

Table 1. CONSUMER PRICE INFLATION     YEAR-ON-YEAR     MONTH-ON-MONTH  
  April   May   June   April   May   June  
ALL ITEMS   1.4   1.3   1.4   -0.1   -0.3   0.2  
FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES   0.9   0.9   0.4   -1.4   0.2   0.9  
NON-FOOD ITEMS 1.7   1.5   0.1   0.3   -0.1   0.1  
Alcoholic Beverages and Tobacco   3.7   3.8   3.8   0.0   0.0   0.2  
Clothing and Footwear   1.6   1.6   1.7   0.1   0.1   0.0  
Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels   2.9   2.3   3.2   0.7   -1.1   -0.5  
Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance   2.1   2.0   2.1   0.0   0.0   0.2  
Health   2.4   2.4   2.4   0.2   0.2   0.2  
Transport   -2.1   -2.4   -1.6   -0.4   -0.6   0.6  
Information and Communication   0.3   0.4   0.4   0.0   0.0   0.0  
Recreation, Sport and Culture   2.1   2.2   2.2   0.2   0.1   0.1  
Education Services   4.2   4.2   5.4   0.0   0.0   0.2  
Restaurants and Accommodation Services   2.3   2.0   2.1   0.3   -0.2   0.2  
Financial Services   0.0   0.0   0.0   0.0   0.0   0.0  
Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services   2.5   2.5   2.4   0.2   0.1   0.0  
     
CORE ITEMS 2.2   2.2   2.2     0.2        0.2        0.2  
FOOD 0.7   0.7   0.1   -1.7   -0.1   0.1  
Rice -10.9   -12.8   -14.3   -3.1   -2.4   -1.6  
Corn -4.9   -10.6   -14.5   -2.4   0.3   1.8  
Flour, Bread and Pasta Products 1.3   1.2   1.3   0.1   0.1   0.1  
Meat 7.7   7.9   9.1   -0.3   0.7           2.0  
Fish 4.3   5.7   6.2   -2.1   -0.4   -0.1  
Milk and Eggs 4.0   4.9   5.1   0.1   -0.2   -0.1  
Oils and Fats 4.7   5.8   7.1   0.8   1.0   1.3  
Fruits and Nuts 6.2   8.3   9.7   -0.7   0.1   -0.5  
Vegetables 2.3   3.4   -2.8   -5.4   3.2   -0.2  
Sugar -0.7   -0.6   -0.7   0.0   0.0   -0.1  
Ready-Made Food and Other Food Products 3.4   3.0   2.2   0.2   0.6   0.4  
Non-alcoholic Beverages 3.1   3.3   3.7   0.2   0.5   0.4  
Source: Philippine Statistics Authority            
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -