26.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

Bagong pag-asa para sa mga pasyente: Gatchalian pinuri ang mga tampok sa kalusugan sa SONA ng Pangulo

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagpapalawak ng access sa serbisyong pangkalusugan, na binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).

 

Binanggit ng Pangulo ang pagpapatayo ng mga bagong specialty centers sa buong bansa. Bilang co-author ng Regional Specialty Centers Act (Republic Act No. 11959) na nilagdaan noong 2023, isinulong ni Gatchalian ang pagtatayo ng hindi bababa sa isang specialty center sa mga ospital ng Department of Health (DoH) sa bawat rehiyon sa loob ng limang taon. Ang mga specialty centers ay mga yunit o departamento sa mga ospital na nagbibigay ng espesyal na pangangalaga sa mga partikular na kondisyon.

 

Ibinahagi rin ng Pangulo sa kanyang SONA ang kahalagahan ng pinalawak na benepisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang hakbang na gagawing mas simple na ang proseso ng pagkuha ng medical assistance sa pamamagitan ng integrasyon nito sa eGov app. “Pumunta ka lang sa isang public hospital, wala ka nang babayaran. ‘Yun talaga ang gusto nating ibigay sa ating mga kababayan,” ani Gatchalian.

 

Nabanggit din sa SONA na sinasaklaw ng PhilHealth ang libreng dialysis, heart surgeries, tulong sa may cancer, rehabilitasyon para sa mga PWD, at paggamot sa malnutrisyon ng mga bata, at iba pa. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -