24.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

PBBM: Gobyerno mamamahagi ng solar power sa may 1M bahay sa buong bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Lunes na  magbibigay ng elektrisidad ang pamahalaan sa may isang milyon bahay gamit ang solar power sa susunod na tatlong taon.

“At sa pagtatapos ng 2028, dagdag na mahigit isang milyong kabahayan pa ang magkakaroon na rin ng kuryente, sa pamamagitan ng solar power home system,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na SONA.

Sinabi ng Pangulo sa susunod na tatlong taon, ang kanyang administrasyon ay magtatayo ng 200 power plants na kayang magbigay ng kuryente sa apat na milyong bahay, mahigit 2,000 pabrika, at halos 7,000 commercial establishments.

“Hahabulin at tutuparin ng DOE (Department of Energy) at NEA (National Electrification Administration) ang nakatakdang dami ng mga kabahayang makakabitan ng kuryente ngayong taon hanggang 2028. Lalo na sa Quezon, Camarines Norte, Palawan, Masbate, Samar, Negros Occidental, at Zamboanga del Sur,” ayon sa Pangulo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -