24.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

Sen Lacson sa kapwa mambabatas: Bigyang pansin ang patama ng Pangulo sa SONA tungkol sa budget at flood control

- Advertisement -
- Advertisement -

DAPAT bigyang pansin ng miyembro ng parehong kapulungan ng Kongreso ang patama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “Mahiya naman kayo” – tungkol sa katiwalian sa flood control programs at sa pambansang budget – sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Iginiit ito nitong Martes ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson, na nagsabing ang utos ng Pangulo para gumawa ng inventory ng flood control programs at paghanap ng anomalya sa panukalang budget ay “tedious but workable.”

“Kinap niya ang kanyang SONA na may babala ang alam niyang tinatamaan ang audience niya mismo, na nasa harapan niya. Kami, kaming lahat… Yan talab talaga sa buto yan. Pag di pa naman tinablan ang mga senador at saka mga kongresista, e talagang sagad na rin talaga sa buto na hindi nahihiya,” aniya sa panayam sa DZBB.

Sa kanyang SONA nitong Lunes, sinabi ng Pangulo na lumabas sa pagsusuri niya sa epekto ng bagyo at habagat na maraming flood control projects ay palpak o ghost projects, at malamang ay may bahid ng kickback at ibang uri ng korapsyon.

Inutos ng Pangulo ang paglista ng flood control projects sa nakaraang tatlong taon, at pagsasapubliko ng kung ano rito ang palpak o ghost projects – kung saan kakasuhan ang mga sangkot.

Para naman sa 2026 budget, sinabi ng Pangulo na hindi siya pipirma sa budget na hindi susunod sa National Expenditure Program, kahit na ang ibig sabihin nito ay mare-reenact ang budget.

Mataas na marka ang ibinigay ni Lacson sa Pangulo sa kanyang SONA, dahil kinilala niya ang “frustrations” ng mamamayan, at inanunsyo niya ang kanyang plano sa huling tatlong taon ng administrasyon niya, bago tinapos ang SONA na may babala laban sa anomalya sa budget at flood control program.

“Ang sabi ko nga, ang favorite quote ko from the SONA, ‘mahiya naman kayo’,” ani Lacson.

Dagdag ni Lacson, ang mga binanggit ng Pangulo ay maaaring magbigay ng pagkakataon sa mambabatas na ipaliwanag sa kanilang mga constituent na hindi na nila ma-realign ang pondo para sa kanilang proyekto – matapos sabihin ng Pangulo na hindi niya pipirmahin ang budget na hindi alinsunod sa NEP. Nagbabala din siya na may panganib sa pagkakaroon ng reenacted budget lalo na kung ito ay ang 2025 General Appropriations Act (GAA) na may maraming anomalya dahil ito ay “mangled beyond recognition.”

Sa kabila nito, iginiit ni Lacson na posible pa ring makakita ng anomalya sa budget, kung pagtitiyagaan. May mga kaso na ang mga pondo ay nasa “studies” na magtatagal ng ilang taon pero wala namang resulta.

“So I just hope ang cue makuha ng Kongreso, both houses, na huwag na natin masyadong kalikutin,” ani Lacson.

More at: https://pinglacson.net/2025/07/29/ping-lacson-to-fellow-lawmakers-take-cue-from-presidents-sona-warnings-on-budget-flood-control/
Video: https://www.youtube.com/watch?v=ey1sWwR8EPM

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -