29.5 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Gatchalian: Palakasin ang AMLC laban sa korapsyon sa gitna ng isyu sa flood-control at POGO

- Advertisement -
- Advertisement -

NAIS ni Senador Win Gatchalian na palakasin ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo at kakayahan sa naturang ahensya upang matukoy ang mga financial crimes sa gitna ng mga isyu ng korapsyon na may kaugnayan sa flood-control projects.

“Palakasin natin ang AMLC at bigyan natin sila ng mga kagamitan na magbibigay-daan upang matukoy at maagapan ang mga money-laundering schemes,” sabi ni Gatchalian kay AMLC Executive Director Matthew David sa nakaraang pagdinig ng Senado tungkol sa panukalang pondo ng ahensya para sa 2026.

“Tulungan natin ang AMLC para matigil na ang mga corrupt practices,” sabi ni Gatchalian, na siyang chairman ng Senate Committee on Finance. Sa kaso ng mga opisyal ng DPWH na sangkot sa mga anomalya sa flood-control projects, sinabi ni Gatchalian na kung na-detect agad ng AMLC kung may money laundering sa pamamagitan ng mga casino, naaksyonan sana ito nang maaga.

Idinagdag ni Gatchalian na kahit si Chinese national Guo Hua Ping, na kilala rin bilang Alice Guo, ay nakapagpatayo ng P7-bilyon na POGO facility sa Bamban, Tarlac dahil sa kabiguan ng ahensya na matukoy ang mga kahina-hinalang transaksyon sa tamang oras.

Dahil sa dami ng trabaho ng AMLC kaugnay ng pagmo-monitor sa 150,000 transaksyon taun-taon, suportado ni Gatchalian na maibalik sa ahensya ang P162-milyon bawas sa pondo ng AMLC sa ilalim ng national expenditure program (NEP).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -