“Walang perang sasayangin. Hindi tayo papayag na lustayin ang kaban ng bayan.”

Ito ang hayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng pagtiyak na mapupunta ang foreign aid sa mga sektor, gaya ng edukasyon, healthcare, imprastraktura, social protection, agrikultura, at disaster risk resilience, na direktang makatutulong sa pamilyang Pilipino.
Sa Philippine Development Forum 2025, ibinahagi rin ni PBBM ang ilang reporma para sa tapat at mahusay na paggamit ng Official Development Assistance. Dito, nakasama ng pamahalaan ang ating development partners upang matiyak na ang mga inisyatiba ay tumutugon sa mga pangangailangan ng taumbayan.



