34 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Sen Imee nagpaliwanag hinggil sa sinasabing ‘insertion’ ng mga senador

- Advertisement -
- Advertisement -

AGAD naglabas ng kanyang pahayag si Senator Imee Marcos sa kanyang opisyal na Facebook page hinggil sa kanyang paliwanag sa napabalitang maraming senador ang naglagay ng “insertion.”

Paliwanag niya, “Trabaho ng senador na busisiin ang budget, magbawas sa dapat, magdagdag sa tunay na nangangailangan.

“Pero yung ipagpapalagay na nag-insert ako ng kasamaan, hindi totoo ‘yan.

“Totoo po ang balitang ninais ng inyong lingkod na makinig at dinggin ang pakiusap ng mga iba’t ibang departamento ng pamahalaan, mga gobernador, mayor, maging mga kapitan ng barangay at mga kababayan nating humihingi ng tulong medikal at cash-for-work para sa mga estudyante. Meron ding gaya ng pagsasaayos ng hospital roads, bulok na gusali ng PNP, insentibo sa Young Farmers at marami pang iba.

Binusisi po natin ang mga request at nagmungkahing sila ay mapagbigyan. MINABUTI NATING IPAGLABAN ANG KANILANG KAILANGANG BUDGET…
pero HINDI TAYO NAPAGBIGYAN.

Napakabasic lang ng laman ng pag-amyenda ko, nakaFLR.

Ang nilagay po ay “FLR” or “for later release” – ibig sabihin, WALA, WALA PA o WALA TALAGA.
FLR = for later release o FIRST LADY REJECTS

Maraming lumalapit sa akin sa pag-aakalang dahil kapatid ko ang presidente ay may direkta akong linya, hindi nila alam, pag sa akin galing, direkta REJECT AGAD.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -