34 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Dahilan kung bakit nabawasan ang bilang ng trabaho ng 1.71 milyon noong Hulyo 2025 mula sa 50.1 noong Hulyo 2024

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NABAWASAN ang bilang ng trabaho ng 1.71 milyon noong Hulyo 2025.  Ano ang dahilan nito? Mababawi kaya ito sa mga susunod na buwan?

Lumagapak sa 48.6 milyon ang bilang ng mga trabaho noong Hulyo 2025 kumpara sa 50.1 noong Hulyo 2024. Ano ang nangyari sa ekonomiya?  (Table 1)

Nawalan ng trabaho ang 1.59 milyon na magsasaka at 0.09 milyon na nasa service sector; ang industriya ang tanging nakasalba ng kakarampot na 30 libong tao at nabigyan ng trabaho.

Dahil ito sa limang sunud-sunod na bagyo na bumaha sa mga bukirin, mga paktorya at mga lungsod na siyang nagpatigil ng trabaho sa malaking bahagi ng bansa. Ito ang pinakamalaking pagkawala ng trabaho sa loob ng dalawang taon. Pinakamarami ang nawalan sa agriculture and forestry (-1.38 milyon); wholesale and retail trade at repair of motor vehicles and motorcycles (-897 libo); fishing and aquaculture (-173 libo); construction (-147 libo); at accommodation and food service activities (-69 libo).

Nakadagdag  naman sa numero ng  employed persons noong Hulyo 2025 ang administrative and support service activities (296 libo); transportation and storage (208 libo); human health and social work activities (169 libo); manufacturing (109 libo); at education (96 libo).

Lumagapak ang labor force ng 1.48 milyon dahil sa pagdausdos ng labor force participation rate (LFPR) na bumaba  sa 60.7%.

Dahil  malaki ang pagbagsak ng labor force, hindi masyadong mabilis ang pag-akyat ang unemployed persons na umangat lang ng 0.22  libo sa 2.58 milyon, mula sa 2.36 milyon noong Hulyo 2024.

Bumaba ang employment rate ng 0.6% sa 94.7%, ang pinakamababa nitong antas sa halos tatlong taon.

Kasabay ng pagkawala ng trabaho sa bansa, rumagasa ang underemployment rate mula sa pinakamataas nitong antas na 14.8% sa halos tatlo ring taon.

Karamihan sa mga naghahanap ng karagdagang trabaho o 52.8% ay nasa services sector; 27.7% sa agrikultura; at 19.5% ay nasa industriya. Nabawasan sa 50.8% ay nagtatrabaho lang ng mas maigsi kaysa 40 oras bawat linggo; ang ibig sabihin ay part-time lang ang kanilang trabaho. Umakyat sa 48.3% ang nagtatrabaho na ng mahigit 40 oras sa isang linggo ngunit naghahanap pa rin ng karagdagang trabaho. Ang ibig sabihin, kulang ang sueldong natatanggap sa pangangailangan ng pamilya lalo na’t baha ang kapaligiran. Ang 0.9% naman ay di pa nakahanap ng trabaho, ngunit mas mababa kaysa rati.

Table 1. LABOR AND EMPLOYMENT
2024 2025 CHANGE
July July 2025vs2024
Persons Above 15 Years Old (Millions)           78.89         80.09          1.19
Labor Participation Rate (%)           63.50         60.70  

(2.80)

Labor Force (Millions)           50.10         48.61  

(1.48)

Employed Persons (Millions)           47.74         46.04         (1.71)
Employment Rate           96.90         96.30         (0.60)
Employment in: (Millions)
   Agriculture           10.11         8.52  

(1.59)

   Industry          8.58          8.61  

0.03

   Services           29.01         28.92  

(0.09)

Unemployed Persons (Millions)             2.36           2.58          0.22
Unemployment Rate             4.70           5.30          0.60
Underemployed Persons (Millions)             0.15           0.22          0.07
Underemployment Rate (%)           12.10         14.80          2.70
Source: Philippine Statistics Authority

Bumaba ang bahagdan ng mga walang trabaho na may pinag-aralan mula sa post secondary pataas hanggang college. Ngunit umakyat naman ang bahagdan ng mga walang trabahong natapos o nakatuntong sa senior high school, at elementary school. Ganoon din ang mga walang gradong natapos. (Table 2)

By age group naman, bumaba ang mga walang trabahong nasa edad 15-24 sa 41.5%;  at nasa edad 35-44, 45-54, at 55-64; ngunit tumaas naman ang mga walang trabahong nasa edad 25-34. Nanatili naman sa 0.9% ang mga over 65.

Patuloy ang pagtapyas ng interest rates sa mga susunod na quarter.   Mababa pa rin ang inflation kahit na bumagyo at bumaha na nang husto. Kapag tapos na ang typhoon season, makakalikha ulit ng trabaho ang ekonomiya.

TABLE 2.   Underemployed Persons by Hours Worked and Sector, and Unemployed Persons by Age Group, Sex, and Highest Grade Completed, with Measures of Precision, Philippines
July 2024 and July 2025
(In Percent)
Hours Worked/Major Industry Group/Age Group/Sex/ Highest Grade Completed July 2024                        July 2025
Estimate Estimate
     
     
UNDEREMPLOYED PERSONS 5,773 6,803
  Number (in thousands)
  HOURS WORKED IN A WEEK    
    Total         100.0            100.0
  Worked less than 40 hours           53.5              50.8
  Worked 40 hours and over           44.8              48.3
  Did not work             1.6                0.9
   
     
  SECTOR    
    Total         100.0            100.0
  Agriculture           29.7              27.7
  Industry           19.4              19.5
  Services           50.8              52.8
     
     
UNEMPLOYED PERSONS         2,375            2,593
  Number (in thousands)    
  AGE GROUP
    Total         100.0            100.0
  15 – 24           43.0              41.5
  25 – 34           31.7              33.9
  35 – 44           12.2              12.1
  45 – 54             8.0                7.4
  55 – 64             4.3                4.2
  65 and over             0.9                0.9
  SEX
    Total         100.0            100.0
  Male           54.9              57.7
  Female           45.1              42.3
  HIGHEST GRADE COMPLETED
    Total         100.0            100.0
 No grade completed             0.2                0.4
 Elementary             8.6                9.1
      Undergraduate             3.6                4.5
       Graduate             5.0                4.7
  Junior high school           28.8              29.1
          Undergraduate             7.0                8.4
          Graduate           21.8              20.7
 Senior high school           14.5              15.2
          Undergraduate             2.1                2.3
         Graduate           12.3              12.9
 Post secondary             3.4                2.8
         Undergraduate             0.0                0.0
        Graduate             3.4                2.8
  College           44.5              43.3
    Undergraduate           10.6              10.5
    Graduate           33.9              32.8

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -