NAGBIGAY si Vice President Sara Duterte ng pagbati kay Emma Tiglao na itinanghal na Miss Grand International 2025.

“Nagpupugay kami sayo, Emma Tiglao
“Pinagbubunyi ka at ikinararangal ka ng bayang sumoporta, sumama, at naniwala sayong taglay na ganda, galing, at talino.
“Ang iyong tagumpay sa Miss Grand International 2025 ay mas pinakinang ng iyong kagandahang pinatingkad ng iyong paninindigan, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa bayan.
“Salamat sa inspirasyon at karangalan na binigay mo sa ating bansa.
“Mabuhay ka, Queen Emma.”



