29.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

PBBM pinangunahan ang paglulunsad ng Phase 4 ng Pasig Bigyang Buhay Muli

- Advertisement -
- Advertisement -

MAS marami nang lugar para mamasyal sa tabi ng makasaysayang Ilog Pasig ngayong bukas na ang Phase 4 ng Pasig Bigyang Buhay Muli sa Lawton Pasig River Ferry Station sa siyudad ng Maynila nitong Oktubre 19, 2025.

Ang 530-meter stretch mula likod ng Manila Central Post Office hanggang Arroceros Forest Park ay inaasahang makapagbibigay din ng pagkakataon sa maliliit na negosyo.

Sa paglulunsad nito, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kaugnay na inisyatiba gaya ng paglulunsad ng M/B Dalaray para sa dagdag na transportasyon, at paggamit ng ClearBot para sa makabagong paraan ng paglilinis ng ilog.

Kinilala rin ni PBBM si First Lady Louise Araneta-Marcos para sa kanyang dedikasyon sa proyekto, na isa sa mga tumanggap ng 2025 Asian Townscape Award ng UN-Habitat.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -