“Digital transformation is our tool for good governance.”

Ito ang binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte sa kanyang keynote speech sa 51st Philippine Business Conference and Expo na ginanap nitong October 20, 2025, sa SMX Convention Center, Pasay City.

Ayon kay VP Sara, ang digital transformation ay magiging mahalagang sandata tungo sa mas mahusay na pamahalaan, mabilis na serbisyo publiko, at epektibong pagtugon sa mga krisis at sakuna.
Dagdag pa niya, ito rin ay magiging sandata laban sa korapsyon at hakbang tungo sa mas maayos na nation-building.



