34 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Erwin Tulfo pinanawagan ang pagpasa ng Zero Food Waste Bill, pagpapalakas ng lokal na produksyon sa IPU Forum

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-DIIN ni Senator Erwin Tulfo ang kahalagahan ng mahusay na pamamahala ng mga produktong pagkain at pagpapatupad ng mga polisiya na magpapasigla sa lokal na produksyon sa Pilipinas nang dumalo siya sa isang forum tungkol sa seguridad sa pagkain sa 151st Inter-Parliamentary Union Assembly sa Geneva, Switzerland.

Sa harap ng mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, inilahad ni Tulfo ang iba’t ibang sanhi na nakadaragdag sa mataas na tala ng kagutuman sa Pilipinas, partikular na ang mga patakaran sa sektor ng agrikultura na nakasasama sa mga lokal na magsasaka at lokal na produksyon ng pagkain.

“We have a problem with food insecurity right now in our country. Last year, about 27 percent of our population experienced hunger involuntarily. The fact is that lower wages, hiked prices, and low income contribute to this high rate, plus trade liberalization,” sabi ni Tulfo, pinuno ng delegasyong Pilipino sa IPU, sa forum.

“It’s killing the industry of our farmers. We are more dependent now on rice importation, which is cheaper. The reason is that the production cost for rice farmers in the Philippines is higher because of the fertilizers that we import. That is the problem, and this is causing a lot of pain to our people,” dagdag niya.

Habang hindi pa nababago ang kasalukuyang mga patakaran sa agrikultura sa Pilipinas, binigyang-diin ni Tulfo na maaaring higit pang mabawasan ang paglaganap ng kagutuman sa pamamagitan ng wasto at epektibong pamamahala ng mga pinagkukunan ng pagkain.

Binanggit ng Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development ang Senate Bill No. 1411, o ang panukalang Zero Food Waste Act, na kanyang inihain sa Senado noong Setyembre 24, bilang isa sa mga agarang hakbang na maaaring gawing batas upang tugunan ang kagutuman.

“Every day, there’s a lot of food wastage. What I am saying is, if it can still be consumed by those who are hungry, maybe we can send it to food banks or to different organizations to feed them. Food that cannot be consumed anymore can be turned into compost for agricultural use or compost products,” ani Tulfo.

Layunin ng panukalang batas ni Tulfo na magbigay ng malinaw na patakaran kung paano maaaring mag-donate ang mga negosyo na may kaugnayan sa pagkain tulad ng mga malalaking restaurant, fast-food chains, hotel, supermarket, at mga paaralang pang-kulinariya ng kanilang sobrang maayos na pagkain sa mga food bank na pinatatakbo ng Department of Social Welfare and Development.

Samantala, upang matiyak ang matatag na produksyon ng pagkain at makapaglatag ng pangmatagalang reporma sa sektor ng agrikultura, naghain si Tulfo, noong simula ng kanyang termino sa Senado, ng isang resolusyon na naglalayong amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL), partikular upang buhayin muli ang regulatory function ng National Food Authority.

Kabilang ang resolusyong ito sa mga panukalang batas na nagbigay-daan sa Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform na magsiyasat sa umano’y smuggling ng mga produktong agrikultura, pati na rin sa implementasyon at mga epekto ng RTL sa mga magsasaka at mamimili.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -