PAGKATAPOS umakyat ang year-on-year inflation (YOY) sa 1.7% ng dalawang buwan sa Setyembre at Oktubre, bumaba ulit ito sa 1.5% noong Nobyembre. Anu-ano ang mga nag-ambag dito?
Bumaba ang YOY inflation sa 1.5%noong Nobyembre pagkatapos nitong lumobo sa 1.7% ng dalawang buwan. (Table 1) Ngunit nanatili ang year-to-date (YTD) na average inflation sa 1.65%, ang pinakamababa nitong antas sa loob ng sampung taon.
Labindalawang sunud-sunod na bagyo noong Setyembre hanggang Nobyembre ang humambalos sa mga pananim, mga paghahayupan, at palaisdaan. Dalawa rito ay sumampa sa supertyphoon na kategorya. (Table 2) Ano ang epekto ng mga sakunang ito?
Ngunit taliwas sa inaasahan, nahulog ang naitalang presyo ng pagkain sa -0.3% mula sa 0.3% noong Setyembre. Bumaba ang presyo ng bigas ng -15.4%, mais ng -4.1%, at asukal ng -0.3%.
Sa kabilang dako, umakyat ang presyo ng cooking oil ng 9.7%, isda ng 8.6%, karne ng 4.2%, gulay ng 4.0%, at non-alcoholic beverages ng 4.0%.
Nakatulong sa pagpababa ng presyo ng pagkain ang masaganang ani ng bigas noong ikatlong quarter. Lumago ang ani ng palay ng 12.6% noong ikatlong quarter kumpara noong nakaraang taon. Kahit na nagtaas ng import ban ng bigas sa dalawang huling buwan ng 2025, bahagya lang ang pagtaas ng presyo. Ang dahilan nito ay ang masaganang ani ng palay noong ikatlong quarter ng taon. Lumobo ito ng 12.6% kumpara sa kaparehong quarter noong 2024.
Masagana rin ang ani ng sugar cane na umakyat ng 42.0%, coffee na umakyat din ng 24.3%, at manok at itlog na lumobo ang produksiyon ng 10.6%. Ngunit ang ani ng other agricultural crops ay natamaan ng bagyo kaya bumaba ito ng -3.5%. Ganoon din ang mga ani ng ilang gulay gaya ng mongo, repolyo, kamatis, kamote at kamoteng kahoy kung saan ang taniman (area harvested) ay bumaba ng 0.5 bahagdan, 5.8 bahagdan, 4.5 bahagdan, at 0.4 bahagdan, respectively. Nanatiling matatag ang YOY inflation ng ready-made food at other food products (2.1%); fruits at nuts (1.6%); at milk at eggs (1.0%).
Lumobo ang YOY inflation ng non-food items ng 2.4% mula sa 2.3% noong nakaraang buwan dahil umakyat ang YOY inflation ng alcoholic beverages at tobacco (3.6%); education (3.0%); housing, water, electricity, gas at fuels (2.9%); health (2.7%); restaurants at accommodation services (2.6%); personal care (2.4%); at recreation, sports, at culture (2.1%). Samantala, nanatiling matatag ang clothing at footwear (1.8%); transport (1.7%); information at communication (0.6%); at financial services (0.0%).
Nag-normalisa ang month-on-month (MOM) inflation sa 0.2% mula sa 0.1% noong Oktubre. Umakyat ang presyo ng pagkain ng 0.2% mula sa 0.0% noong nakaraang buwan; at nanatili ang non-food sa 0.2% sa sunud-sunod na ikaapat na buwan.
Base sa MOM inflation, nag-normalisa ang pagkain sa 0.2% mula sa 0.0% noong nakaraang buwan. Umangat ang MOM inflation ng bigas sa 0.4%, mais sa 2.0%; isda sa 1.5%; oils at fats sa 0.6%; at fruits at nuts (0.6%).
Nanatiling matatag ang non-alcoholic beverages sa 0.2%; ready-made food sa 0.1%; at flour, pasta, at bread sa 0.1% samantalang bumaba nang bahagya ang vegetables sa 0.1%; asukal ng -0.1%; milk at eggs ng -0.3%; at karne (-1.2%).
Sa non-food category naman, di gumalaw ang MOM Inflation ng anim na produkto at serbisyo, umakyat ang apat, at lumagapak ang dalawa. Kasama sa mga umakyat ang transport (1.2%); at restaurants at accommodation (0.4%); recreation, sports, at culture (0.2%); at health (0.2%). Ang pag-akyat ng transport ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng finished petroleum products sa pandaigdigang merkado dahil sa patuloy na giyera ng Ukraine at Rusya at kaguluhan sa Middle East na nagpataas sa premium ng mga shippers na dumadaan sa mga karagatan. Kahit na bumababa ang Dubai crude oil price na noong gitna ng Nobyembre ay bumaba sa US$65 kada bariles, tumataas pa rin ang presyo ng mga finished products.
Nanatili sa dating MOM inflation ang clothing at footwear (0.2%); personal care (0.2%; alcoholic beverages at tobacco (0.1%); furnishings, household equipment at maintenance (0.1%); education (0.0%); at financial services (0.0%0. Kasama sa mga bumaba ang housing, water, electricity, gas at other fuels (0.0%) at information at communication (0.0%).
Bumaba ang core inflation nang bahagya sa YOY inflation na 2.4% at nanatili ang MOM inflation na 0.2%. Ang ibig sabihin ay banayad ang galaw ng mga presyo kahit na maraming bagyo ang humambalos sa mga pook ng produksyon.
Dahil ang naitalang average 1.65% na YOY inflation ng labing-isang buwan ay mas mababa pa rin kaysa sa lower end ng target inflation range na 2-4%, patuloy na luluwagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang antas ng liquidity sa huling dalawang buwan ng taon at bababaan ang policy rate sa 4.25%at 4.5 % mula sa 4.75% ngayon. Kailangan ito para mapalapit ang ekonomiya sa GDP lower-end growth target na 5.0% sa buong 2025.
| TABLE 1. CONSUMER PRICES, 2025 | ||||||
| YEAR-ON-YEAR (YOY) | MONTH-ON-MONTH (MOM) | |||||
| September | October | November | September | October | November | |
| ALL ITEMS | 1.7 | 1.7 | 1.5 | 0.0 | 0.1 | 0.2 |
| FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES | 1.0 | 0.5 | 0.1 | -0.4 | 0.0 | 0.2 |
| NON-FOOD | 2.0 | 2.3 | 2.4 | 0.2 | 0.2 | 0.2 |
| Alcoholic Beverages | 4.1 | 4.0 | 3.6 | 0.3 | 0.1 | 0.1 |
| Clothing and Footwear | 1.7 | 1.8 | 1.8 | 0.2 | 0.2 | 0.2 |
| Housing, Water, Electricity, Gas and other Fuels | 2.2 | 2.7 | 2.9 | 0.2 | 0.3 | 0.0 |
| Furnishings, Household Equipment and Maintenance | 2.4 | 2.4 | 2.0 | 0.2 | 0.1 | 0.1 |
| Health | 2.8 | 2.7 | 2.7 | 0.2 | 0.1 | 0.2 |
| Transport | 2.8 | 0.9 | 1.7 | 0.2 | 0.0 | 1.2 |
| Information and Communication | 1.0 | 0.7 | 0.7 | 0.2 | 0.1 | 0.0 |
| Recreation Sports and Culture | 0.6 | 1.9 | 2.1 | 0.3 | 0.0 | 0.2 |
| Education | 2.1 | 3.0 | 3.0 | 0.0 | 0.0 | 0.0 |
| Restaurants and Accommodation Services | 3.0 | 2.4 | 2.6 | 0.1 | 0.1 | 0.4 |
| Financial Services | 2.4 | 0.0 | 0.0 | 0.0 | 0.0 | 0.0 |
| Personal Care | 0.0 | 2.5 | 2.4 | 0.3 | 0.2 | 0.2 |
| CORE ITEMS | 2.6 | 2.5 | 2.4 | 0.0 | 0.2 | 0.2 |
| FOOD | 0.8 | 0.3 | -0.3 | -0.4 | 0.0 | 0.2 |
| Rice | -16.9 | -17.0 | -15.4 | 0.0 | -0.6 | 0.4 |
| Corn | -4.5 | -8.1 | -4.1 | 0.9 | -2.5 | 2.0 |
| Flour, Bread and Pasta Products | 1.5 | 1.5 | 1.6 | 0.2 | 0.1 | 0.1 |
| Meat | 6.0 | 5.2 | 4.2 | -1.8 | -1.2 | -1.2 |
| Fish | 7.9 | 8.2 | 8.6 | 0.6 | 0.9 | 1.5 |
| Milk and Eggs | 2.5 | 1.6 | 1.0 | -0.1 | -0.1 | -0.3 |
| Oils and Fats | 9.3 | 9.4 | 9.7 | 0.6 | 0.5 | 0.6 |
| Fruits and Nuts | 0.6 | -1.4 | 1.6 | 0.2 | -0.3 | 0.6 |
| Vegetables | 19.4 | 16.6 | 4.0 | -2.0 | 2.1 | 0.1 |
| Sugar | -0.1 | -0.1 | -0.3 | -0.2 | 0.0 | -0.1 |
| Ready-Made Food and Other Food Products | 2.3 | 2.2 | 2.1 | 0.0 | -0.1 | 0.1 |
| Non-alcoholic Beverages | 4.3 | 4.3 | 4.0 | 0.3 | 0.2 | 0.2 |
| SOURCE: Philippine Statistics Authority | ||||||
| Table 2. TYPHOONS IN Q3, 2025 | |||||
| Date | Peak Speed | Peak Gusts | Peak Signal | ||
| 1 | Kiko | Sep-02 | 55 | 70 | 1 |
| 2 | Lannie | Sep-06 | 55 | 70 | 1 |
| 3 | Mirasol | Sep-16 | 55 | 90 | 1 |
| 4 | Nando | Sept 20-22 | 215 | 295 | 5 |
| 5 | Opong | Sep 24-27 | 110 | 150 | 4 |
| 6 | Paolo | Sep 29-Oct 4 | 130 | 201 | 4 |
| 7 | Quedan | Oct-09 | 75 | 90 | |
| 8 | Ramil | Oct 17-18 | 75 | 90 | 2 |
| 9 | Salome | Oct-22 | 55 | 55 | 1 |
| 10 | Tino | Nov-02 | 130 | 150 | 3 |
| 11 | Uwan | Nov-09 | 140 | 185 | 4 |
| 12 | Verbena | Nov 24-25 | 45 | 55 | 1 |
| Source: National Disaster Risk Reduction Commission |

