28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

PBBM nakatuon sa pamamahala, walang patid na paglingkod sa bayan – Palasyo

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ng Malacañang nitong Lunes na nirerespeto nito ang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon upang maghain ng reklamo, habang siniguro sa publiko na tuloy-tuloy si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamahala at pagseserbisyo sa sambayanang Pilipino.

Sa isang pahayag, kinilala ng Palasyo na ang paghahain ng mga reklamo sa mga opisyal ng gobyerno ay bahagi ng demokratikong proseso sa ilalim ng Konstitusyon.

Ayon sa Malacañang, “We respect this process and trust that Congress, as a coequal branch of government, will discharge its duties with honesty, integrity, and fidelity to the rule of law.”

(“Nirerespeto naming ang proseso at nagtitiwala sa Kongreso, bilang co-equal branch ng gobyerno, ay ipapatupad ang tungkulin nito na may katapatan, integridad at katapatan sa umiiral na batas.”)

Inihayag ng Pangulo na buo ang kanyang suporta sa Konstitusyon at nananatiling kumpiyansa sa kalakasan ng demokratikong institusyon.

“While these processes take their course, the President will continue to govern, ensuring that public services remain uninterrupted and that the work of government stays focused on improving the lives of our people,” diin ng Malacañang.

“Habang ang proseso ay gumugulong, patuloy na mamamahala ang Pangulo habang sinisigurong ang lahat ng mga serbisyong pampubliko ay hindi maaantala at ang trabaho ng gobyerno ay mananatiling nakapokus sa pagpapa-angat ng buhay ng mga Pilipino.”)

“Our institutions are strong, our processes are clear, and the administration remains committed to stability, accountability, and the betterment of every Filipino,” dagdag ng Pangulo.

“(Ang ating mga institusyon ay matatag, malinaw ang mga proseso, at ang administrasyon ay patuloy na nakatuon sa katatagan, pananagutan at pagpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino.”) | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -