29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mag-negosyo ta ‘Day

- Advertisement -
- Advertisement -
BUMISITA si Vice President Sara Duterte sa Padang, Legazpi City noong nakaraang taon upang masaksihan ang ang malikhaing si Rafael Orbase.
Mga larawan mula sa Office of the Vice President
Kuwento ng ikalawang pangulo, “Personal nating binisita si Rafael , isa sa mga benepisyaryo ng programang Mag Negosyo Ta ‘Day ng Office of the Vice President sa Padang, Legazpi City noong nakaraang taon.
“Siya ay gumagawa ng mga iba’t ibang accessories at artworks mula sa mga upcycled materials na kinokolekta mula sa dagat at bundok tulad ng mga bato, driftwood at iba pa na kanyang binebenta.
“Namangha ako sa galing at talento ni Rafael. Ipinakita niya sa akin kung paano niya ginawa ang isang accessory mula sa lava rock na agad kong binili kasama pa ang iba niyang mga obra.
“Sinabi niya na dahil sa dagdag puhunan na bigay ng ating tanggapan ay nakabili siya ng mga gamit na nagpabilis ng kanyang trabaho. Dahil dito, nadagdagan ang produksyon ng kanyang mga obra.
“Maraming salamat Rafael, sa iyong oras at pagtanggap sa amin.
“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -