29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pinal na ulat ng EDCOM II inilabas na; Gatchalian nanawagan ng mas epektibong paggastos para sa edukasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS ilunsad ang huling ulat ng EDCOM II, na naglalaman ng National Education and Workforce Development Plan para sa susunod na sampung taon, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa epektibong paggamit ng makasaysayang pondong inilaan para sa sektor ng edukasyon ngayong 2026.

Sa ilalim ng 2026 national budget, umabot sa P1.35 trilyon ang pondo para sa sektor ng edukasyon, katumbas ng 4.4% ng Gross Domestic Product (GDP). Kasama sa mga binigyang prayoridad para sa sektor ng edukasyon ang mga programang early childhood care and development (ECCD) at learning recovery. Makakatanggap ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng P8.96 bilyon upang magkaroon ng 440,000 tutors at masuportahan ang 6.7 milyong mga mag-aaral.

Pagdating sa ECCD, P2.56 bilyon mula sa Local Government Support Fund ang inilaan upang gawing child development centers ang mga day care centers sa mga fourth- at fifth-class municipalities. Maaari ding gamitin ang naturang pondo para sa pagha-hire ng mga child development workers sa mga low-income municipalities.

“Naglaan tayo ng makasaysayang pondo para sa edukasyon para tapusin ang krisis sa sektor. Pero hindi sapat ang basta pondo lang. Kailangan itong gamitin nang tama para mabigyan ang ating mga kabataan ng tunay na pagkakataong magtagumpay sa loob at labas ng paaralan,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -