29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Imee pinayuhan ang mga opisyal na nakikipagbangayan at sumisira sa diplomasya

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAALALAHANAN ni Senador Imee Marcos, tagapangulo ng Komite ng Foreign Relations sa Senado, ang mga opisyal ng gobyerno na mapusok na nakikipagsagutan sa publiko, partikular sa social media, dahil maaari umano itong makasira sa ugnayang diplomatiko at imahe ng Pilipinas.

Inihain ng senadora ang Senate Resolution Blg. 267 na nananawagan ng propesyonalismo at disiplina sa mga pampublikong pahayag, kasunod ng tumitinding palitan ng maaanghang na salita ng mga opisyal ng Pilipinas at Tsina.

“Hindi ko hangad na busalan ang malayang diskurso o gapiin ang ating mga opisyal sa pagtindig para sa soberanya ng Pilipinas.” pahayag ni Marcos. “Ngunit ang mga padalos-dalos at walang pinanghahawakang salita ay may epekto sa ugnayang bilateral at sa kakayahan nating ipagtanggol ang pambansang interes, lalo na sa mga sensitibong usaping karapatang-pandagat.”

Binigyang-diin ng senadora ang paulit-ulit na paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas mainam tugunan ang mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasya, sa halip na hayagang bardagulan sa publiko na maaaring magpalala sa tensyon.

“Igalang at pagkatiwalaan natin ang DFA – sila ang dapat nangunguna sa diplomasya,” ani Marcos. “Bagamat ang ating soberanya ay mangunguna sa lahat ng usapin, nananawagan akong wag ng painitin pa ang hindi paguunawaan sa ibang bansa lalo sa ating mga kapitbahay gamit ang nakakainsulto’t walang galang na mga salita.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -