29.7 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Sen Bam Aquino tinalakay ang CAP Act sa mahigit 200 mayor ng bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senador Bam Aquino na iprenisinta niya sa mahigit 200 alkalde ng bansa ang Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act.

Aniya, “Kahapon ay dumalo tayo sa isang pagtitipon kasama ang mahigit 200 mayors mula sa iba’t ibang panig ng bansa, na inorganisa ni San Juan City Mayor Francis Zamora, pangulo ng League of Cities of the Philippines at ng Metro Manila Council.

“Sa Mayor’s Dialogue on Accelerating Classroom-Building in Cities and Municipalities, masaya kong ibinahagi sa ating mga alkalde ang laman ng aking panukalang batas na SBN 1482 o Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act—na layong pabilisin ang pagpapagawa ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tulong ng LGUs at NGOs na may napatunayang kakayahan, at alinsunod sa mga pamantayan ng DepEd. At kahit hindi pa ito tuluyang naisasabatas, naisama na natin sa GAA sa ilalim ng special provisions ang mahahalagang probisyon ng CAP Act, kaya maaari nang magsimula ang mga LGU sa sabay-sabay na pagpapagawa ng mga silid-aralan.

“Napakahalaga rin na nakasama natin sa dayalogo si DepEd Secretary Sonny Angara upang maibigay ang malinaw na mga gabay kung paano masisimulan ng ating mga mayor ang pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa mga mag-aaral sa kanilang nasasakupan.

“Maraming salamat din sa lahat ng mga mayor na dumalo. Kitang-kita ang inyong suporta at pakikiisa para sabay-sabay nating masolusyunan ang classroom backlog sa buong bansa. Lalo na kay Mayor Zamora, salamat sa pag-organisa ng napakahalagang pagtitipong ito para mabigyan ng pagkakataon ang ating mga mayor na magtulungan, magbahagi ng mga best practices, at agad na makakilos para mapabilis ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa kani-kanilang mga lungsod at munisipalidad.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -