26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

PBBM: Pagpapahusay ng sektor ng enerhiya, magpapatatag sa supply at gagawing abot-kaya ang kuryente

- Advertisement -
- Advertisement -

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang sistema ng enerhiya ng bansa upang matiyak ang maasahang supply ng kuryente at mas abot-kayang presyo.

“This is why we, in government, continue to strengthen the systems in our energy sector—by improving policies, processes, and partnerships to ensure that energy reliability and affordability are sustained in the long-term,” ani ng Pangulo sa turnover ng Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plants (CBK HEPP) sa Kalayaan, Laguna nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.

“Building on the strength of both the public and private sectors, we encourage collaborations that safeguard the public interest while promoting transparency and accountability,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ang CBK facilities ay nag-iimbak ng tubig gamit ang sobrang kuryente tuwing off-peak hours, at inilalabas ito para makalikha ng kuryente kapag mataas ang demand.

Ang sistemang ito ay hindi lang basta gumagawa ng kuryente, kundi tumutulong din na balansehin ang supply at demand sa buong power system, aniya.

Dagdag pa ng Pangulo, ang modernisasyon ng CBK ay magbibigay ng benepisyo sa mga Pilipino—mas kaunting brownout, mas tuloy-tuloy na serbisyo sa ospital at paaralan, at walang nasayang na oras at mas maraming oportunidad para sa mga manggagawa at negosyante.

Binanggit din ng Pangulo na ang turnover ng CBK HEPP sa Thunder Consortium ay hakbang tungo sa mas matatag at mas mahusay na energy system.

Ang Thunder Consortium ay binubuo ng Aboitiz Renewables, Inc., Sumitomo Corporation na base sa Japan, at ng J-Power, isang electric utility na kumpanya sa Japan.

Ang CBK HEPP ay isa sa pinakamalaking hydropower complex sa Luzon na may kapasidad na 797 megawatts. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -