26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

VP Sara personal na nakiramay sa pamilya ng nasawi ng lumubog na barkong MV Trisha Kerstin 3

- Advertisement -
- Advertisement -

PERSONAL na nakiramay si Vice President Sara Duterte sa pamilya ng mga nasawi matapos ang trahedyang sinapit ng barkong MV Trisha Kerstin 3 na lumubog malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Aniya, “Kasabay ng ating pagbisita sa Bayan ng Jolo, Sulu ngayong araw ay ang ating personal na pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi matapos ang trahedyang sinapit ng barkong MV Trisha Kerstin 3 na lumubog malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Mga larawan mula sa opisyal na Facebook page ni Inday Sara Duterte

“Kasunod nito ay dumiretso tayo sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Barangay Walled City sa parehong bayan upang magpasalamat sa kaligtasan ng daan-daang survivors.

“Ipinagdasal din natin ang katatagan ng mga pamilyang apektado sa trahedyang ito, maging ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa likod ng patuloy na paghahanap sa mga nawawalang pasahero.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -