29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mga dahilan ng paglago ng exports at imports of goods ng bansa

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS ng dalawang taon, lumago ang exports at imports of goods ng bansa. Tuloy-tuloy na kaya ito? Anu-ano ang dahilan ng paglagong ito?

Umahon ang merchandise trade ng Pilipinas noong 2025 kahit na magulo ang mga merkadong pandaigdig dahil sa tariff wars at global tensions. Lumago ang year-on-year (YoY) growth ng merchandise trade ng 8.5%, mas mataas kaysa sa 0.5% noong 2024 at pag-urong na -7.8% noong 2023. Maraming aspeto ng paglagong ito ang ngayon lang nakita pagkatapos ng maraming taon. (Table 1)

Una, mas mabilis ang paglago ng exports  na umakyat ng 15.2% kaysa sa imports na lumago rin pero sa mas mababang 4.7%. Mas mataas din ang  mga  antas  na  ito   kumpara sa  matumal na pag-akyat 1.1% ng imports noong 2024.  (Table 1)

Ikalawa, dahil mas mabilis ang paglago ng exports kaysa sa imports, bumaba ang trade deficit sa $49.2 bilyon, 17.2% ng GDP kumpara sa $54.3 bilyon, 19.6% ng GDP noong nakaraang taon.

Sa ganang exports, halos lahat ng major exports ay lumago. Ang pinakamalaking paglago ay naitala ng gold (84.5%), machinery at transport equipment (34.2%), fruits and vegetables (24.2%), electronics (17.5%), at garments at apparel (5.7%).  Tanging bumaba ang chemicals na umurong ng -5.7%.


Sa mga major imports, halos lahat ay lumago nang double-digit kasama ang electronics components (21.0%), telecom equipment at electrical machinery (17.8%), at transport equipment (10.4%). Matumal nang bahagya ang power-generating at electronic data processing machinery (9.0%). Tanging bumaba ang imports ng  minerals fuels and lubricants (-12.5%) dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis mula sa $80.1/bariles noong nakaraang taon sa $69.2/bariles noong 2025.

Sa mga major export markets ng Pilipinas, pinakamalaki ang paglago ay naipakita ng Australia, Canada, Germany, at India na lumago ng 214.0%, 137.2%, 36.5% at 33.7%, ayon sa pagkakasunod. Ito ang mga bansang labis na naapektuhan ng pagtaas ng taripa ng US at naghanap sila ng ibang merkado para sa kanilang produkto. Kasunod dito ang Poland (33.6%), Mexico (29.7%), Hong Kong (28.3%), Netherlands (25.4%), Switzerland (25.4%), Taiwan (22.1%), Malaysia (20.8%), Singapore (19.9%), at United Arab Emirates (18.5%). Samantala, umurong ang exports sa mga bansa sa Asya na dating namamayagpag sa paglago ng trade gaya ng Indonesia (-8.3%), Vietnam (-7.9%), South Korea (-7.8%), China (-1.9%), at Thailand (-1.8%).

Sa kabuuan, kahit na magulo ang sitwasyon ng world trade, malakas ang export at import sektor ng Pilipinas. Ang sektor na ito ay nahasa sa mga pag-akyat at pagbaba ng demand at supply, ang papalit-palit na galaw ng mga presyo at taripa, at ang biglang nawawalang merkado dahil sa kaguluhan at kahirapan. Dahil nasanay na sila sa magulong mundo, mabilis silang lilihis at iiwas kapag umurong ang mga merkado. Kasama ang mga Filipino overseas workers, sila ang patuloy na maliksing growth drivers ng ekonomiya. Dahil patuloy na nagpapalitan ng banta ang mga bansa tungkol sa pagtaas ng taripa, hindi masigurado kung wala na ang gulo sa mga susunod na taon. Ngunit dahil sa bilis at liksing naipakita ng mga sektor na ito sa gitna ng kaguluhan, inaasahang patuloy na makikitaan ng magandang performance and exports ng Pilipinas sa 2026.

Table 1. MERCHANDISE TRADE, US$ Million      
  2023 2024 2025
TOTAL TRADE 199,826 200,865 217,976
   Growth Rate -7.8% 0.5% 8.5%
Total Merchandise Trade Balance (52,592) (54,328) (49,166)
% of GDP -20.2% -19.6% -17.2%
Exports (US$M) 73,617 73,269 84,405
   Growth Rate -7.5% -0.5% 15.2%
Imports (US$M)   126,209       127,597      133,571
    Growth Rate (%) -8.0% 1.1% 4.7%
Source: Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -
Table 2. EXPORTS AT IMPORTS
        
  2023 2024 2025
Exports (US$M) 73,617 73,269 84,405
   Growth Rate -7.5% -0.5% 15.2%
   ELECTRONICS  2/ 41,909 39,095 45,951
     % Growth -8.0% -6.7% 17.5%
  MACHINERY & TRANSPORT EQUIPMENT2/ 2,399 2,644 3,549
     % Growth 6.4% 10.2% 34.2%
     FRUITS & VEGETABLES        2,278            2,541           3,155
      % Growth 3.7% 11.5% 24.2%
    GOLD          816           1,051          1,938
      % Growth -18.7% 28.7% 84.5%
  CHEMICALS 1,771 2,011 1,895
     % Growth 109.0% 13.5% -5.7%
   GARMENTS & APPAREL 706 663 700
      % Growth -14.6% -6.1% 5.7%
Imports (US$M)   126,209       127,597      133,571
Growth Rate  (%) -8.0% 1.1% 4.7%
   POWER GENERATING & IT MACHINERY 10,143 10,641 11,596
     % Growth -9.4% 4.9% 9.0%
   TELECOM EQPMT & ELECTRICAL MACHINERY 17,303 17,392 20,480
     % Growth -9.2% 0.5% 17.8%
   ELECTRONICS COMPONENTS 8,568 8,337 10,085
     % Growth -27.5% -2.7% 21.0%
   MINERAL FUELS & LUBRICANTS 20,110 19,064 16,690
     % Growth -15.5% -5.2% -12.5%
   TRANSPORT EQUIPMENT 12,467 11,381 12,568
     % Growth 14.1% -8.7% 10.4%
Source: Philippine Statistics Authority

 

Table 3. Philippine Exports to the Top Ten and Other Countries, 2024 and 2025
(FOB Value in million USD)
Countries 2024 2025  Growth Rate
(%)
    
 (3)  (7)  (10)
  Total Exports 73,269 84,405 15.2
   
Top 10 Countries Total 59,009 66,580 12.8
1 United States of America 12,145 13,437 10.6
2 Hong Kong 9,605 12,324 28.3
3 Japan 10,330 11,566 12.0
4 People’s Republic of China 9,445 9,298 -1.6
5 Singapore 2,943 3,527 19.9
6 Netherlands 2,868 3,596 25.4
7 Republic of China (Taiwan) 2,689 3,284 22.1
8 Germany 2,458 3,355 36.5
9 Republic of Korea 3,570 3,291 -7.8
10 Thailand 2,956 2,902 -1.8
  Other Countries 14,260 17,826 25.0
11 Malaysia 2,227 2,690 20.8
12 Vietnam 1,658 1,526 -7.9
13 Switzerland 612 768 25.4
14 India 1,097 1,467 33.7
15 Mexico 882 1,143 29.7
16 Indonesia 1,052 965 -8.3
17 Australia 547 1,719 214.0
18 Canada 551 1,306 137.2
19 United Arab Emirates 390 463 18.5
20 Poland 257 343 33.6
21 Others 4,987 5,436 9.0
SOURCE: Philippine Statistics Authority
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -