29.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Cayetano gustong gawing digital ang pagproseso ng ayuda

- Advertisement -
- Advertisement -

GUSTONG gawing digital ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagsumite ng mga requirement para makakuha ng medical, burial, at iba’t ibang klase ng tulong mula sa gobyerno.

Ito ay matapos dinggin ng Senado ang panukalang Simplified Government Aid Access Act (Senate Bill No. 155), na naglalayong ayusin ang pamantayan sa mga dokumento upang maging mas madali ang pagkuha ng tulong ng gobyerno, lalo na sa mga mahihirap na benepisyaryo.

Si Cayetano ang pangunahing sponsor ng landmark na batas na E-Governance Law (Republic Act No. 12254), na nagpapahusay sa serbisyo ng gobyerno gamit ang Information at Communications Technology.

Kaya isa sa mga pangunahing mungkahi niya para sa SB No. 155 ay ang pagtatalaga sa Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang pangunahing ahensya na may katungkulan sa pagbuo at paggamit ng eGov Super App o iba pang naaangkop na mga digital system at platform bilang mekanismo para ma-access ng mga Pilipino ang tulong ng gobyerno.

“The online or mobile application shall be utilized to facilitate requests for medical, burial, and similar forms of financial assistance,” ani Cayetano sa kanyang mungkahi para sa SB. No 155, na ipinasok ni bill sponsor Senador Erwin Tulfo sa plenaryo nitong February 10, 2026.

Ilan pa sa mga amendment ng senador ay ang mga ito:

Sa pakikipag-ugnayan ng Department of Health, dapat ay malinaw na nakasaad ang mga impormasyon ng mga ospital, klinika, at iba pang awtorisadong medical facility na nag-iisyu ng mga medical certificate o abstract.

Sa mga kaso kung saan hindi makapirma ang benepisyaryo dahil sa edad, karamdaman, kapansanan, o hindi marunong magbasa, anumang iba pang patunay ng awtorisasyon na makatwiran ay maaaring itakda sa ilalim ng Implementing Rules.

Mula nang bumalik siya sa Senado noong 2022, paulit-ulit nang isinusulong ni Cayetano ang digitized rollout system para sa ayuda ng gobyerno.

Aniya, malaki ang papel ng paggamit ng computer algorithm at digital verification para hindi na mapulitika at magamit sa katiwalian ang mga requisitos na wastong dokumentasyon at mga resibo.

“Let it be as simple as kunan ko ng picture y’ung prescription tapos kung verified naman y’ung app mo, send it to them, then GCash nila y’ung voucher at kahit saang drugstore pwede nang ipambili,” sabi ng senador.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -