32.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Lacson: Mag-caucus ang Senado para itakda ang ground rules sa posibleng pakikipag-usap sa Chinese Embassy hinggil sa WPS

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGDARAOS ang Senado ng all-senators’ caucus ngayon, Lunes, Pebrero 23, 2026, upang itakda ang ground rules para sa posibleng talakayan sa Chinese Embassy kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea, ani Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ngayong Sabado.

Ayon kay Lacson, maaaring salihan ng minority bloc ang caucus kung nais nila.

“At least mag-establish kami ng parameters on how to communicate with each other para hindi tayo nagkakasakitan,” aniya sa isang panayam matapos ang Philippine Military Academy Alumni Homecoming dito.

Nauna nang sinabi ni Lacson na nais niyang magpasimula ng “sit-down talks” sa pagitan ng mga senador at ng Chinese Embassy matapos ipahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan ang kahandaang makipagdayalogo sa mga lider ng Pilipinas upang maibsan ang palitan ng maaanghang na pahayag sa isyu.

Samantala, sinabi ni Lacson na bukas siya sa posibilidad na muling bumisita sa Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group. Nakarating na siya sa Pag-asa Island noong 2021.

“If there’s another opportunity to go there I want to go there,” aniya. Binanggit niya na ang Pag-asa ang tanging barangay na may naninirahan sa nasabing isla. Tinatayang 400 hanggang 500 Pilipino ang kasalukuyang nakatira roon sa ngayon.

Dahil dito, sinabi niyang tungkulin ng pamahalaan ng Pilipinas na ipagtanggol ang Pag-asa Island laban sa anumang panghihimasok.

“So na-establish natin ang occupation. At bumoboto ang mga tao doon, may students doon. I think it’s incumbent upon us, especially the Armed Forces, to protect and defend Pag-Asa from either intrusion, or in a worse scenario, invasion,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -