SA pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA Revolution, NAGBIGAY ng pahayag si Senator Francis Kiko Pangilinan. Narito Ang kanyang pahayag.
“Nagiging posible ang tila imposible sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng nakararami. Naging posible ang imposible sa EDSA 40 years ago, nang matapos ang 20-year na one-man rule, at naibalik ang mga institusyon ng demokrasya tulad ng Senado at ng malayang pamamahayag. Naging posible rin ang tila imposible noong halalan ng nakaraang taon, nang lumundag ang ating ranking mula 17 hanggang 5 at napasama sa winning circle.
“Sa awa ng Diyos at sa kilos ng tao, nangyari ang lahat ng ito at marami pang iba.
“Sa awa ng Diyos at sa kilos ng tao, tataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda, at bababa ang presyo ng mga bilihin. Mananagot ang mga smuggler, hoarder, at mga kasabwat sa burukrasya.
“Magiging posible rin na mawakasan ang nepotismo sa pulitika, at mapapanagot at makukulong na ang mga kurakot.
“Magiging posible ang tila imposible sa sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan ng pinakaaba at pinakamaliliit sa ating lipunan.”



