26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Imee: Isang taon na, ilantad na ang katotohanan sa pagdukot kay FPRRD

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAIN ni Senador Imee R. Marcos ang Senate Resolution No. 340 upang busisiin muli ang buong katotohanan sa umano’y koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) sa nangyaring pagdampot kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Marso 11 ng nakaraang taon.

“Isang taon nang palaisipan ang nangyaring paglapastangan sa karapatan ng ating kapwa Pilipino,” ani Marcos. “Dapat ilantad na ang buong katotohanan at panagutin ang mga lumabag sa ating konstitusyon!” dagdag niya.

Giit ng senador, kailangang mabunyag kung may naging pakikipagtulungan ang ilang ahensya ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

“Hindi nagtutugma ang kwento ng pamahalaan—malinaw na may nagsisinungaling!” giit ng senador. “Paulit-ulit sinasabi na wala nang ugnayan at hindi na makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC, pero inamin din na nakipag-usap si Remulla sa mga tauhan ng ICC,” dagdag niya.

Dagdag pa ni Marcos, mahalagang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa sariling sistema ng hustisya at matiyak na hindi mauulit ang anumang hakbang na maaaring maglagay sa alanganin sa soberanya ng bansa.

“Dapat walang Pilipinong matatakot sa sarili niyang gobyerno at magtatago sa dayuhan sa sarili niyang bansa,” pagtatapos ni Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -