NALAMPASAN natin ang Covid-19. Ngayon, ipagdasal natin na malampasan din natin ang”Trump-26.”

Sinabi ito ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules, habang patuloy na naghihirap ang mga Pilipino dahil sa epekto ng labanan sa Gitnang Silangan – na aniya’y dahil sa “whimsical arrogance” ni Trump pati sa mga kaalyado ng US.
“Only a few years ago, we outlived the coronavirus, also known as Covid-19. Pray that the world will survive Trump-26,” sabi niya sa X.
Ang labanan sa Gitnang Silangan, kung saan kasangkot ang Estados Unidos at mga kaalyado nito, ay nagdulot ng mga hamon sa Pilipinas, kabilang na ang pagkaantala sa suplay ng langis.
Tumaas ang presyo ng langis, at patuloy na tumaas ngayong linggo ang presyo ng diesel at kerosene. Ang presyo ng diesel prices ay tinatayang umabot sa P144 kada litro at presyo ng kerosene hanggang P168.79 kada litro, at ang gasolina hanggang P111 kada litro.
Ikinalungkot ni Lacson na ang ganitong pagtaas ng presyo, kasama ang lumalalang Kalbaryo ng mga Pilipino, ay dahil din sa “Trump’s whimsical arrogance in treating even the US’ long time allies.”
Nitong Martes, nag-post si Trump sa kanyang Truth na ang mga bansang hindi makakakuha ng jet fuel dahil sa sitwasyon sa Strait of Hormuz ay maaaring bumili ng fuel sa US o kaya “go get your own oil.”
Samantala, binanggit naman ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines para sa West Philippine Sea, na sinasadyang pinalalala ng Tsina ang kanilang maritime aggression at deployment ng mga barko sa WPS, sinasamantala ang atensyon ng mundo na nakatuon sa krisis sa Gitnang Silangan.
Iniulat ni Trinidad na 90 barkong Tsino ang naitala ng militar na nakapalibot sa mga pangunahing lugar noong Marso, tumaas mula sa 62 noong Pebrero.
Noong Marso, binatikos ni Lacson pumalyang pagpopostura ni Trump, na aniya’y naglagay sa Pilipinas at sa buong mundo sa krisis.
Dahil dito, sinabi niya na dapat panagutin si Trump sa kanyang mga aksyon, hindi lamang ng buong mundo kundi pati ng sariling bansa, ang Estados Unidos.



