28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Cayetano sa kabataang Pilipino: ‘Training’ ang krisis sa pagiging pinuno

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes ang kabataang Pilipino na ituring ang sunod-sunod na krisis na pinagdaanan ng kanilang henerasyon bilang bahagi ng kanilang paghahanda bilang mga pinuno ng susunod na henerasyon.

Sinabi ito ni Cayetano sa harap ng daan-daang estudyanteng nagsipagtapos at naglipat-antas, kasama ang kanilang mga magulang, sa Taguig City noong March 31, 2026.

Aniya, ang isang tunay na pinuno ay hindi pinagsisilbihan kundi “pinupunuan” ang mga pagkukulang na naranasan niya mismo noon.

“Sabi kasi ng iba, kapag ikaw ay leader o boss, ikaw ang parating pinagsisilbihan. ‘Pag may pagkukulang, may uutusan ka,” aniya. “Pero sa salitang Pilipino, maganda eh – ‘pamumuno.’ Kapag may kulang, pinupunuan. ‘Yan ang role ng isang leader.”

Paghihikayat niya sa kabataan, maging matatag sa kabila ng mga personal at pambansang krisis, mula sa COVID-19 pandemic, flood control scandal, hanggang sa nangyayaring gyera sa Iran, dahil ito ang huhubog sa kanila bilang mahuhusay na pinuno ng kani-kanilang komunidad.

Ipinaalala niya na bawat isa ay “meant to be a leader,” ayon sa Book of Genesis sa Bibliya kung saan ipinagkatiwala ng Diyos sa tao ang lahat ng nasa mundo.

“Kung leader ka, anong ginagawa ng iba? Follow. So ‘pag nakaisip ka ng masama [tulad ng] mag-quit, mag-drop out, o mag-suicide [kasi ang] hirap ng buhay,’ please remember, you’re a leader,” aniya.

“God loves you. So whenever you have doubt, remind yourself na you are being trained at maraming nagmamahal sa inyo,” dugtong niya.

Ang mga graduation at moving-up ceremony ngayong taon ay may temang “Pilipinong Nagtatapos, Handang Mamuno nang may Kakayanan at Mabuting Pagkatao.”

Hinimok din ni Cayetano ang mga estudyante na kilalanin ang sakrispisyo ng kanilang mga magulang.

“Today, ang pinakamaganda ninyong ‘thank you’ ay gumraduate kayo,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -