31.2 C
Manila
Huwebes, Hunyo 11, 2026

Tiwala at performance rating ni Pangulong Marcos, muling lumakas sa Q1 2026 – OCTA

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING nakamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matibay na tiwala at mas mataas na performance rating ng publiko sa unang quarter ng 2026, batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research Group.

Sa isinagawang survey mula Marso 19 hanggang Marso 25, 2026, tumaas ang tiwala ng publiko sa Pangulo sa 54%, mas mataas ng anim na puntos kumpara sa 48% noong Disyembre 2025.

Tumaas din ang performance rating ng Pangulo na umabot sa 55% noong Marso, mas mataas ng apat na puntos mula sa 51% na naitala noong nakaraang quarter.

Isinagawa ang survey sa 1,200 adult respondents na may margin of error na ±3%.

Ayon sa OCTA, isinagawa ang survey sa gitna ng pinaigting na hakbang ng Pangulo upang matiyak na nakapagbibigay ng subsidiya at tulong ang mga ahensya ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain, at mapatatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa patuloy na mga hamon sa pandaigdigang sitwasyon.

Hinikayat ng Pangulo ang mga Pilipino na isabuhay ang diwa ng bayanihan habang ipinatutupad ng pamahalaan ang mga hakbang para maibsan ang pasanin ng mga commuter at mga sektor na mahina, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -