29.4 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 24, 2026

Umakyat ang year-on-year inflation sa 4.1%, anu-ano ang mga dahilan ng paggalaw na ito? 

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAKYAT ang year-on-year inflation (YOY) sa 4.1% noong Marso, mas mataas kaysa sa 2.4% noong Pebrero at halos doble kaysa sa antas noong Enero at Pebrero. Ito ang pinakamataas na antas ng pagtaas ng presyo simula noong Agosto 2024. (Table 1)

Anu-ano ang mga dahilan ng paggalaw na ito?  Magtatapos na ba ang liquidity easing na ginagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)?

Ang mga produkto petrolyo ang nagpataas sa YOY inflation. Dahil ito sa pagsiklab ng giyera sa Middle East na nagbunsod ng pagsasara ng Straits of Hormuz kung saan 20% ng exports ng langis dumadaan.

Non-food and pinakamalaking naapektuhan ng mga presyo ng produktong petrolyo; umakyat ang YOY inflation nito ng halos doble sa 4.9% mula sa 2.8%.

Sa 12 sektor sa kategoryang non-food, walo ang nakaranas ng pagtaas. Ito ang  transport na tumaas sa 9.9% mula sa -0.3; mga restaurant na tumaas sa 5.0% mula sa 4.4%; recreation, sports, and culture na tumaas sa 4.7% mula sa 4.3%; housing, water, electricity, gas at other fuels na umakyat sa 4.5% mula sa 3.5%; alcoholic beverages sa 3.7% mula   sa  3.0%; health  sa 3.4% mula sa 3.2%; furnishings, household equipment at maintenance, at, 3.1% mula sa 2.9%; at personal care sa 2.9% mula sa 2.8%. Hindi gumalaw ang education sa 2.9%;   information at communication sa 0.7%\, at financial services sa 0.0%  samantalang bumaba ang clothing and footwear sa 2.6% mula sa 2.8%.


Ang ikalawang kategorya ay ang pagkain na nakaranas ng bahagyang pagtaas sa 2.8% mula sa 2.6%. Nagsimula nang umakyat ang presyo ng bigas ng 3.5% kahit na pinayagan ulit ang importasyon noong Enero pagkatapos ng apat na buwan na paghigigpit mula Setyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon. Kasama ng bigas sa pag-akyat ay ang mais sa 12.4% mula sa 9.4%; oils and fats sa 8.9% mula sa 8.5%; gulay sa 6.9% mula sa 6.1%; fruits and nuts sa 5.1% mula sa 3.8%; at flour, bread, and pasta products sa 2.5% mula sa 2.4%. Naapektahan ang mga ito ng pagtaas ng transport costs. Bumaba naman ang anim na produkto gaya ng karne sa -3.2% mula sa -2.2%; asukal sa -0.7% mula sa -0.6%; milk and eggs sa 0.9% mula sa 1.4%; ready-made food products sa 2.4% mula sa 2.5%; non-alcoholic beverages sa 4.3% mula sa 4.4%; at isda sa 6.7% mula sa 7.7%. Dahil ito sa masaganang ani; walang sama ng panahon ang naranasan sa buong buwan ng Marso.

Gaya ng galaw ng YOY inflation, umakyat nag malakihan ang  month-on-month  (MOM)     inflation    na   1.4% mula sa 0.2% noong Pebrero, halos pitong beses.  Umakyat ang inflation ng non-food items ng halos sampung beses, 4.9% mula sa 0.5%.  Ganoon din ang  sa food items na bumalikwas sa 0.5% mula sa -0.2%.

Batay sa MOM inflation, umakyat  ang presyo ng pagkain ng 0.5% mula sa -0.2% noong nakaraang buwan.  Umakyat ang MOM inflation ng walong items kasama ang bigas (5.0%), fruits and nuts (0.9%); mais (0.5%); oils and fats (0.5%); non-alcoholic beverages (0.3%); ready-made food prodcuts (0.1%); asukal (0.1%); at gulay (-5.4%). Bumagsak naman ang MOM inflation ng isda (0.1%); karne (-0.1%); milk at eggs (-0.1%) samantalan g nanatili sa 0.2% ang flour, bread, at pasta products.

Ang malakihang pagbagsak ng MOM inflation ng gulay ay patuloy na  nangibabaw sa grupo ng pagkain. Ito ang dahilan kung bakit subdued ang MOM inflation ng pagkain. Base effect ang tawag dito. Malaki ang impact sa produksyon ang El Nino noong nakaraang taon kaya di masyadong umaangat ang antas ng presyohan ng pagkain.

- Advertisement -

Sa 12 non-food category naman, umakyat ang limang items, lumagapak ang apat, at nanatili ang tatlo sa dating antas.  Kasama sa mga umakyat ang transport (9.5%); alcoholic beverages (1.0%); housing, rentals at accommodation services (1.0%); restaurants and accommodation (0.8%); at information and communication (0.1%). Bumaba naman ang   furnishings, household equipment at maintenance (0.3%); clothing at footwear (0.2%); recreation, sports at culture (0.1%); at personal care (0.1%).  Di natinag ang health (0.5%); financial services (0.0%); at education (0.0%).

Ang pag-akyat ng MOM inflation ay dahil sa matinding pag-akyat ng transport costs.  Umakyat ang  average Dubai crude oil price noong Marso sa $92 kada bariles, 26.0% na mas mataas kaysa sa $73 kada bariles noong Pebrero at  27.3% na mas mataas kaysa sa antas nito na $72.28 noong nakaraang taon.

Umakyat ang core inflation sa YOY inflation na 3.2% dahil ang presyo ng non-food items na siyang nagda-drive sa core inflation. Ang core YOY inflation ay nasa loob pa rin ng 2-4% target inflation range.  Ang ibig sabihin, banayad pa rin ang core inflation at di kailangan ng drastic na liquidity tightening. Ngunit nakakabahala ang MOM core inflation na nagulantang mula sa 0.2% sa antas na 0.4%. Medyo mataas ito; kung i-annualize ang 0.4% ay aabot ito sa 4.8%. Magmamatyag ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga kaganapan sa mga susunod na buwan kung magkakaroon ng adjustment sa liquidity policy stance.

TABLE 1. CONSUMER PRICES, January 2026-March 2026
    YEAR-ON-YEAR (YOY)  MONTH-ON-MONTH (MOM)
January February March January February March
 ALL ITEMS 2 2.4 4.1   0.8   0.2   1.4
 FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 1.1 1.8   3.0   0.8 – 0.2  0.5
 NON-FOOD 2.5 2.8 4.9   0.6   0.5   4.9
 Alcoholic Beverages 3.0 3.0 3.7   0.6   0.5   1.0
 Clothing and Footwear 3.3 2.8 2.6   0.1   0.5   0.2
 Housing, Water, Electricity, Gas and other Fuels 2.5 3.5 4.5  0.0     0.5   1.0
 Furnishings, Household Equipment and Maintenance 3.3 2.9 3.1   1.0   0.8   0.3
 Health 3.3 3.2 3.4   0.5   0.5   0.5
 Transport -0.3 -0.3 9.9 – 0.4 0.0   9.5
 Information and Communication 0.8 0.7 0.7   0.2 0.0   0.1
 Recreation, Sports, and Culture 2.2 4.3 4.7   0.5   2.4   0.1
 Education 2.8 2.9 2.9 0.0 0.0 0.0
 Restaurants and Accommodation Services 4.0 4.4 5.0   1.7   0.7   0.8
 Financial Services 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0
 Personal Care 2.6 2.8 2.9   0.6   0.5   0.1
 CORE ITEMS 2.8 2.9 3.2   0.7   0.2     0.4
 FOOD 0.7 1.6 2.8   0.8  -0.2   0.5
 Rice -8.5 -3.4 3.6   3.5   3.9   5.0
 Corn 6.5 9.4 12.4 – 2.1   0.3   0.5
 Flour, Bread and Pasta Products 2.6 2.4 2.5   0.9   0.2   0.2
 Meat 1.2 -2.2 -3.2   0.2 – 0.3 – 0.4
 Fish 7.3 7.7 6.7   2.0   0.2   0.1
 Milk and Eggs 1.1 1.4 0.9   0.2   0.4 – 0.1
 Oils and Fats 9.3 8.8 8.9   0.9   0.3   0.5
 Fruits and Nuts 3.4 3.8 5.1   2.5   0.3   0.9
 Vegetables 3.3 6.1 6.9 – 3.8 -10.0 – 5.4
 Sugar -0.1 -0.6 -0.7   0.2 – 0.2   0.1
 Ready-Made Food and Other Food Products 2.7 2.5 2.4   0.6 – 0.1   0.1
 Non-alcoholic Beverages 4.5 4.4 4.3   0.6   0.2   0.3
 SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -