32.4 C
Manila
Huwebes, Hulyo 16, 2026

PBBM, ipinakasa sa kanyang Gabinete ang mga hakbang laban sa El Niño; mahigit 2M Pinoy, natulungan ng Uplift program sa Middle East crisis

- Advertisement -
- Advertisement -

PINULONG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng gabinete para ikasa na ng pamahalaan ang mga gagawing hakbang at pagresponde sa inaasahang pamiminsala at matinding epekto ng El Niño sa bansa.

Upang tiyakin ang mas mabilis na paghupa ng tubig-baha at mas maayos na pagdaloy nito palabas ng komunidad, personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang operasyon at mga ginagawang upgrades sa Sunog Apog Pumping Station sa Tondo. Larawan mula sa Presidential Communications Office

“Nagkaroon kami ng pagpupulong, ang Pangulo… Pinag-aaralan na rin natin ‘yung response ng ating pamahalaan pagdating sa El Niño. Dahil, we might have a severe El Niño,” diin ni Executive Secretary Ralph Recto.

Sa harap nito, tiniyak ni Secretary Recto na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga magiging tugon sa posibleng paglala ng epekto ng tagtuyot upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot nito sa mga mamamayan at sa ekonomiya.

Ayon sa kalihim, sinusuri ng gobyerno ang mga naging hakbang sa mga nakaraang panahon ng El Niño upang matukoy kung alin ang naging epektibo at dapat muling ipatupad.

“So we looked at the past, what did government do, what worked. And nagpaplano na tayo diyan para maibsan ‘yung epekto ng El Niño sa ating lahat,” dagdag pa ni Recto.

Una nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na 79 porsyentong tatama ang El Niño sa bansa mula sa papasok na buwan ng Hunyo hanggang Agosto ng taong ito at aabot hanggang sa unang bahagi ng taong 2027.

Matatandaang hinimok rin ng Pagasa ang publiko at LGUs na paigtingin ang pagtitipid sa tubig sa nalalapit na panahon ng matinding tagtuyot.

Samantala, Ibinida naman ni Recto ang agarang pagtugon ng pamahalaan sa krisis sa Middle East kung saan nasa dalawang milyong Pinoy ang nakinabang sa iba’t ibang programang ayuda at suporta ng gobyerno, sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (Uplift) Program ng Administrasyon.

“Mahigit kumulang, dalawang milyon ang natulungan ng ating pamahalaan, maibsan ‘yung krisis. At mayroon ako nakitang survey na 75 percent approval ang taumbayan sa Uplift program na ginagawa ng ating pamahalaan,” pagtatapos ng kalihim. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -