OPISYAL na tinanggap ni Senate Secretary at concurrent Impeachment Court Clerk of Court Jose Luis Montales ang pormal na sagot ni Vice President Sara Duterte sa mga artikulo ng impeachment na isinampa laban sa kanya noong Lunes, Hunyo 1, 2026.


Personal na isinumite ng legal team ng Bise Presidente, sa pangunguna ni Atty. Michael Poa, ang mga pisikal na dokumento kasama ang isang USB drive na naglalaman ng mga elektronikong kopya. Opisyal na natanggap at naitala ang paghahain bandang 4:35 p.m. parehong araw.




